Hindi Po Ako Nagpunta Ng Ob

OK lng po ba na hindi ako nagpunta sa ob 7 weeks pregnant po ako kc natatakot ako maulit uli na nakunan ako last May 2019

32 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

May experienced din ako na di ako pumunta ng OB after ko malamn n preggy ako 8 weeks na..after ng last visit ko bumalik ako nitong 28 weeks pregnancy ko. Walang check up pero still nainom ako ng vitamins n nireseta sa akin sa 1st visit ko sa OB hindi din ako ngpaultrasound nito lang na mag 28 weeks...and thank God kasi healthy ang baby ko and cephalic n sya. I'm 35th weeks of pregnancy na and regular n ako nasa OB. Wala nman problema if di k regular n punta ke Ob basta regualr kang nainom ng supplements and take note mo din kung may movement c baby..Hindi sya advisable pero nagawa ko na eh ewan kung natakot ako pumunta o dahil nalalayuan ako sa byahe o anu pa man.

Magbasa pa

Need mo po magpacheck up. Been there po, last August 2018, nakunan ako then etong May 2019 po nakunan ulet ako. Yes nakakakaba pero kelangan mo maging strong para kay Baby at para mabigyan ka medications. Now, im pregnant ulet, mag 4months na si baby. Sana magtuloy tuloy na pagiging healthy nia. 🙏 Keep praying. 😊

Magbasa pa

Hi mommy, importante na magpa check up ka sa OB as soon as possible kasi kapag ‘di ka na check you’re putting yourself and the baby both at a bigger risk. Especially since first trimester medjo delikado yan. If you’re not comfortable with your previous OB, puwede ka naman mag hanap ng iba.

Mas delikado po kung hindi kayo magpapacheck up agad. Bakit po kayo natatakot? Im sure na ang mga OB po ang gusto nila safe ang mga baby natin. Importante din po makainom ng vitamins at masilip si baby via ultrasound para may idea kayo sa heartbeat niya and kung kelan siya lalabas :)

Pag high risk mas mainam pag maaga ka pumunta sa ob mo sia. Gaya ko high risk 4 weeks kase nung malaman ko na buntis ako tyaka thrwatened miscarriage pa kaya simula nong 4 weeks tuloy tuloy na ako sa hospital hanggang ngayon 33 weeks na tyanko

Kung natatakot ka po makunan ulit the more na dapat magpaconsult ka para maalagaan kayo pareho ng baby mo at makita kung may problema. Mas madali maiiwasan ang kinatatakutan mo kung magpapacheck up ka. Di naman po abortionist ang mga OB

Ako mamsh nakunan din aq last may 2019, tapos preggy nako ngayon konting masakit lang napunta na agad aq sa ob ko kc ayaw ko nadin maulit yong dati. Paalaga ka sa Ob mamsh mas better yon kc kampante ka.

5y ago

Mas okay yan mamsh, ako ngpaultrasound nadin at okay naman xe baby may heartbeat na bsta regular check up ka lng. Godbless

VIP Member

parang mas nakakatakot po yung hindi mag punta ng ob kasi hindi ma momonitor development ni baby mas ok nga ma alagaan kayo ni ob mo para maiwasan po na ma miscarriagge ,pano vitamins mo 😔

Ok lang sis. Sa hosptal na pinanganakan ko, mag 3 mos ako nung first visit for prenatal sabi nila balik ako 4mos ung tummy ko para mas clear ang results ng lab as long as umiinom ako ng anmum.

VIP Member

pcheck up k sis pra malaman mo kng ano mga needs nyo ni baby and maalagaan kau ng mabuti ng ob mo, nakunan dn ako nung Dec 2017 kya mas maingat ob ko ngaun s pinagbubuntis ko,