34 Replies
Tingin ko po need o ina advice po ng dc yung transV para po malaman kung nasa tamang posisyon si baby... Nung nagpa ganun po kasi yun ang sabi sakin kasing laki pa lang sya ng beans, medyo may sub. Hemo. wala daw bukol na makakasagabal sa development ni baby at isang baby na may heartbeat na.... At binigyan na ko due date... ❤❤❤
Required po ang TVS sa early pregnancy. Ako nung 9weeks, binigyan ako ng request ng OB ko for TVS para malaman if normal pregnacy or ectopic tapos makita if may problem like subchorionic hemorrhage plus malaman din if may embryo na ba and heartbeat kasi usually, akala mo pregnant ka yun pala may ibang reason.
7weeks ako nung nagpa transV ako. need yun para maconfirm talaga na buntis ka. and maassess ng OB ung lagay ng pagbubuntis mo. malalaman na din ung heartbeat ni Baby pati EDD mo. ung sa akin nun may nakitang evidence of bleeding during transV kaya niresetahan ako ng pampakapit
baliktad naman sakin . 1st check up ko 6 weeks pregnant nd ko inaasahan ittrans v pala ako. sabi ng ob kilangan daw un para masigurado na buntis nga at para macheck din ung cervix at Yung sac tsaka heartbeat ni baby at Kung ilang weeks kna talaga at Kung kilan expected due date.. ..
required po ang TransV sa early week ng pregnancy. para ma check if ilang weeks kana buntis ( para sa mga soon to be mom na Hindi Alam last mens nila) also para malaman if normal pregnancy or ectopic pregnancy kana pala plus makita kung bukod sa SAC eh may embryo & heartbeat na.
Ako as soon as nagpositive sa PT nagpasched na ko ng transV para malaman ko kung nabuo ba sya, buhay ba sya at kung nasa matres ba sya kasi wala talaga ko nararamdaman .. At ayun nalaman ko 8weeks na nga sya at maganda naman kapit at development nya .. 😁👌
ako 7 weeks pregnant nung nag pantrans v ako.. nakita agad c baby at meron na heartbeat. mas ok na mag pa ganun ka kasi mas accurate un minsan kasi kung lmp lang ang basehan hindi sya accurate pero sa trans v dun talaga makikita pati kung kelan ka manganganak.
ako twice palang nakapagpaultrasound. first is para malaman kung ilang weeks na talaga si baby via tvs. then 2nd is noong nagpaCAS ako, 22 weeks ako nun. nalaman na rin namin gender ni baby. lahat yun nirequire ng OB ko. 29 weeks na ako ngayon
As soon as nalaman mo pong buntis ka need ka na agad itransV. Para malaman kung nsa tamang lalagyan ba ang embryo, kung hindi ka ba high risk, kung gano na sya katagal, baka mmya twins pala, may heartbeat ba. Baka need mo magpalit ng OB.
Ilang months kna po ba? Ako kasi 1st trimester ko nagpa transv na ako as per request rin ng ob, pagsating ng 6mos nagpa request naman ng CAS-Ultrasound. Mas okay na makita ang sitwasyon ng baby habang nasa tummy para talagang monitored
Dale Asido Estremera