1 Replies

Super Mum

Huwag mag-alala kung halinhinan o magkasabay gagamitin ang bagong formula milk at formula milk na ginagamit mo na:  Puwedeng makalipat agad ang baby sa bagong formula milk. Iwasang paghaluin ang magkakaibang formula milk! Narito kung bakit hindi ito inirerekomenda: Hindi idinisenyo ang mga formula milk para paghalu-haluin. Isa pa, kung makakaranas ng mga isyu sa tiyan ang iyong baby, hindi mo matutukoy ang dahilan. Bigyan ang iyong baby ng 3 hanggang 5 araw para masanay sa bagong formula milk: Puwedeng medyo matagalan siya bago masanay. (Bagama't puwede rin naman siyang masanay agad. Yay!) Habang naglilipat ka, puwedeng makaranas ang iyong baby ng ilang iba pang maliliit na pagbabago—lalo na pagdating sa pattern ng kanyang dumi, hangin sa tiyan, at kung ilang beses siya lumulungad. Huwag kang mag-alala, normal lang ito Source link: https://www.translated.nestlebaby.ca/tl/baby-formula-switching-formulas

Trending na Tanong

Related Articles