Ask ko lang po mga mommies
Ok lang po ba tumagal ung diaper ng 12hrs sa overnight po? Paggising po agad ni lo pinapalitan ko rin po. Ayaw po kasi niya paistorbo sa madaling araw. Btw 1yr old na po siya
madami po ba wiwi sa mga oras na yun? kasi kunyre si baby ko po bagong palit diaper bago matulog pero kahit after 8 hours na minsan isang wiwi / super kaunti lang or palagi walang wiwi at pagkacheck ko at 10 hours saka lang may ihi, aantayin ko na magising saka ko palitan. pero kung 6 hours palang nakapa ko na madami ng ihi, palitan ko na agad. kasi pangit mababad ng another 6 hours yun kung 12 hours ang tulog ng baby mabilisan lang gawin mo mii as in palitan mo lang ng walang punas punas kasi mas magigising sya dun
Magbasa paFor hygiene purposes at para iwas uti, mas ok po sana kung mapalitan diapers nya in no more than 8hrs. Although hindi rin talaga maiwasan minsan na umabot ng 12hrs or more, lalo na sa gabi...