Pusod

Ok lang po ba basain pusod ni baby pag pinapaliguan? Btw, 2weeks old na po sya :)

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Momshie ingatan mo po na huwag mabasa ng pusod ni baby dahil ito ay napaka-sensitive. Hindi po ito dapat binabasa hangang hindi pa ito tuluyang natutuyo ng husto. Narito ang tamang paraan ng paglilinis o pagpupunas sa bagong silang na sanggol para maiwasang mabasa ang pusod nito. Ilatag ang tuyo at malinis na tuwalya sa sahig sa mainit na parte ng iyong bahay. Pahigain si baby sa tuwalya. Magbasa ng washcloth o bimpo at pigaan ito para walang tumutulong tubig mula rito. Punasan ng dahan-dahan ang katawan ng baby at iwasan ang pusod nito. Punasan ang leeg at kili-kili kung saan madalas na naiipon ang gatas na denede ng baby. Punasan ang katawan ng baby ng tuyong tuwalya upang tuluyang matuyo. Bihisan ng malinis na damit ang baby na hindi masikip at hindi rin maluwag sa kaniya. Samantala, ang mga senyales naman ng impeksyon na dapat bantayan sa pusod ng baby ay ang sumusunod: Nana sa pusod ng baby. Pagdurugo Pamamaga o pamumula ng pusod ng baby. Mabahong amoy mula sa pusod ng baby. Pagkakaroon ng isa sa mga senyales na sinasabayan ng lagnat Kapag napansin ang mga sensyales na ito sa pusod ng baby na bagong panganak, dalhin agad ito sa doktor upang magamot at mabigyan ng kaukulang medical na atensyon na kailangan. Dahil ang mga senyales na ito ay maaring sintomas na ng impeksyon o kumplikasyon sa pusod ng baby na kung tawagin ay omphalitis. Ang omphalitis ay ang medikal na tawag sa pamamaga o impeksyon sa pusod ng new born baby. Ito ay hindi pangkaraniwan ngunit nakakamatay kapag napabayaan. Sundin mo lang po ang mga tips na ito at surely walang masamang mangyayari kay baby. Salamat po sa Dios.

Magbasa pa