Thanks God.

October 16, 2020(37 weeks) -nun nagfull term nastart na kami magwalk, squat(insert ko na lang yun ginagayahan namin sa youtube), pineapple juice, pineapple chunks, practice ng proper breathing at syempre prayers. Iwasan din mastress. Uminom ng madaming tubig. Kausapin palage si Baby. -check up din namin nun araw na nagfull term kami. Pagkacheck ni Dra. Open cervix at 1cm pero makapal pa cervix. -pinagpaswab na din ako ni Dra nun araw na to. October 24, 2020 -pinapaunta kami ni Dra sa hospital. Pagcheck ng residential Doctor 3-4cm na. - nagtest ng antigen si Hubby. After makuwa result around 4:30pm, pinaadmit na kami. Swero, pampahilab at pampalambot ng cervix. 5:30pm active labor na. Every 3minutes interval nun hilab. Around 7pm, IE ulit 6cm na. Pinababa na kami sa may delivery room para mamonitor. Pagbaba namin 7-8cm na. Check ni Dra yun panubigan kung nakapagpoop na si Baby. Thanks God ok naman. 10:14pm lumabas na si Baby. Thanks God. Mamsh, tiwala lang kay God. Iwas stress. Kausapin palage si Baby. Masaket maglabor pero worth it pag nakita mo na si Baby. Thanks God.

Thanks God.
25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

38 weeks and 3 days now. no sign of labor , lagi lang naninigas at parang may tumutusok sa private part, medyo masakit na din puson parang regla, pero tolerable lang.. ftm nakakatakot baka ma overdue at lumaki si baby.. last ultra kasi nung 36 weeks pa siya 2.8kls na.

4y ago

thankyou po

Ganyan Din Ginagaya Ko. Laging Naninigas Yung Tyan Ko Bandang Puson Feeling Na Parang Nadudumi Masakit Na Balakang Kapag Naglalakad Tapos Parang Nadudumi

39 weeks and 6 days na huhu still no sign of labor lagi ko naman ginagawa lahat yan 😔

Super Mum

Congratulations, mommy! :) isa yan sa mga videos na sinundan ko before.

VIP Member

Congratulations po! 😇😇😇😇 Yan din pinapanuod ko, 35 weeks now 😍

36w&5d .. na po. want ko na dn po manganak. bakit po bawal tubig? .

yan din na video ginagaya ko nung preggy pa ako momsh ... 2 weeks na bby ko now ❤️

4y ago

opo normal delivery mommy pero induce . cord coil kasi . jeje

Wow congrats po mamsh. Nakaraos din po kayo.

VIP Member

effective po to sakin momsh yan yung ginaya kong video

4y ago

Nagstart po magwalk at squat nun nagstart po mag37 weeks.

Super Mum

Congratulations sayo mommy 🙂