20 Replies
Change OB mi. Ako sa OB ko sa first baby ko, maraming akong cysts sa right ovary and since ftm, kabado talaga ako tapos si OB parang lalo pa akong tinatakot na kesyo last month same case may inoperahan daw sya at nagalaw pa ang fetus habang inooperahan kasi pumutok daw ang cyst. Tapos pag sinasabi ko mga nararamdaman ko habang nagbubuntis like pagsusuka and walang gana sa pagkain sinabi lang nya “ay ganun?”. Pag checkup ko tapos nagsasabi ako ng nararamdaman ko parang di sya interested and wala pa 5 mins na icheck nya ako. Ni hindi nga sya nagbigay sa akin ng pregnancy book. So ako lumipat talaga ako ng OB. Good decision naman kasi super maalaga yung next OB ko. Kaya kung ako sa yo mi, don’t hesitate to find another OB para mas maalagaan ka.
change OB ka na ma'am, deserve ng mga buntis ang tamang alaga mula sa OB total nagbabayad naman tayo ng consultation fee hnd lang pera pera dapat compassionate rin ang ating OB. I don't know pero base sa experience ko laki ng pagkakaiba ng batang OB sa mga matatandang OB (hindi ko nilalahat) pero mas maalaga ang matatandang OB unlike sa mga Batang OB. Pag may sinasabi ka na nararamdaman mo hnd kinoconsider ng mga young one's na OB unlike sa old one's take note nila yung details like mga symptoms na nafefeel mo. Again hindi ko nilalahat ✌ and wag tayo matakot magpalit palit ng OB gang mahanap natin yung doctor na talagang comfortable tayo makakaramdam tayo ng tamang alaga dahil buhay natin mommy at ng baby ang nakasasalalay 😇
Change OB na mami. We’ve tried mag change ng OB since sa QC pa original OB ko and medyo pricey ang affiliated hospitals nya. Kaso nakakaturn off yung OB dito sa Bulacan sabi nya di sya nagrereply sa mga patients nya sa text kasi baka di na bumalik for check up while my original OB na QC based kahit late in the evening nagrereply. Sometimes sya pa nangangamusta if ok na ba yung consult ko sakanya kaya kahit malayo and medyo pricey si Doc we will stay na until manganak ako.
Siguro yan din reason ng OB ko kaya ayaw nya magreply sa msg pero on my part once palang naman ako nagreach out sana man lang kahit urgent matter magreply sya diba? tapos ang pricey din ng doctor ko pero hindi worth it. btw mi if u don't mind baka pwede mo recommend sakin si OB mo lapit na din kasi ako lumipat ng QC incase lang malapit sakin altho super laki ng Qc. 🙏
change ka na para sa peace of mind mo rin, ako 6 months na ko lumipat ng ibang OB at talagang binigyan ko ng chance yung previous OB ko kasi mabait naman kaso in times of need talaga at may emergency ka di mo macontact at need na magpunta pa sa clinic. Take note lahat ng sinasabi ko na symptoms like may bleeding or anything na di normal sa pregnancy laging sasabihin niya "ok lang yan, normal yan" kahit hindi naman na talaga. nalaman ko lang nung lumipat ako ng OB.
yun nga e kaya nagtagal kasi binibigyan ko din ng chance maybe because of lack of experience nadin on my side pero in the end marerealize mo din na hindi pala normal kasi kapag may mga nababasa ko dito sinasabi nila chinachat or tinetext nila OB nila minsan nakakausap talaga nila outside their visit. Everytime punta naman sa clinic need din magbayad.
Change na mi. Yung OB ko siya pa mismo magmemessage sakin bukod pa sa messagw from her secretary pag di ako nakakapunta sa appointment. Nung namganak na ko, talagang panay message siya sakin habang nagpapagaling ako sa ospital. Yung mga directions nya sa nurse, nauuna niya imessage sakin to make sure na clear lahat. Ako na yung nahihiya kasi non chalant talaga ako haha
thank you mi hindi nako babalik sakanya on my next pre natal.
palitan mo na yang ob mo mhie.. ob ko pag my tintanong ako nun, nasagot. lalo pag may nrrmdaman ako. sya pa mismo ngbigay ng viber number nya. dpt sa ob accomodating sa isang buntis dhil may involve na baby. higit sa lahat concern sayo dhil pasyente ka nya at the same time concern din sa baby mo.
thank you mhie magchange na ko sa March. Binigyan ko pa sana ng chance kaso talagang di nagreply. Super need ko pa naman ng advice dahil need ko magfly in the next few days. Nakaka disappoint lang kasi from a well known clinic pa naman sya tapos ang mahal ng charge everytime.
magpalit ob kana po ganyan nangyari sa akin.hindi nagrereply din ob ko dati kaya napilitan ako magpalit..yung ob ko ngayon gustong gusto ko kasi siya pa mismo nagbigay ng number niya at siya pa nagsasabi na magtext ako sa kanya pag may mga concern ako.
CHANGE. Ako, first meet ko sa OB before for first check-up, she ranted na may patients sya na hindi sa kanya nagpapaanak? blah blah. I didn't like the energy na binibigay nya saken, pinalitan ko sya next check up ko same hospital. nag request ako another OB.
change na po, ikaw ang masusunod. ikaw po nagbabayad ng services. be discerning sa mga ganyang bagay. Don't feel guilty, you don't owe her. 😊
Ganyan ung OB ko nung una, I changed OB kasi gusto ko ung may pake hindi pera pera lang. In fact, I changed 5x until nahanap ko ung gusto kong OB - I was 30 weeks na nung nakita ko ung OB na gusto ko.
mi second ko na nga din to. akala ko baka ako lang yung may mali na papalit palit at hindi makontento. thank you sa comment mo mie atleast di nako maghesitate to change
Anonymous