20 Replies
Pwede naman po sa next visit lalo na kung napansin mong wala naman masyado problema sa lab results mo. Yung ob ko kasi, pinapaiwan niya saakin ang lab result sa baba lang kasi ng clinic nya tapos yung secretary nya kukuha. Tapos ititext ako ng secretary if positive or negative sa UTI. Tsaka ako bibili o hindi bibili ng gamot. Nakalagay na rin sa Prescription ang gamot just in case positive sa UTi.
sa lying in na pinapacheck apan ko dun narin ako ng papalaboratory. ob ng check up sakin. kapag may mga laboratory next day after laboratory pwede ko na kunin ang result. ang nagbbigay ang mga midwife at binabasa narin nila ang results inieexplain narin but kailangan parin ipakita sa ob kahit sa next check up na.
Mas maganda po sguro kung ibigay or iwan nyo na lang agad sa secretary ung results, para makita ng OB nyo po. Para if may prblem man, hoping na wala ay macontact ka po agad. Ako po kasi pag need ng Lab ay inaadvisan ni OB na halimbawa ay 2days before ng ff. check up ko sa kanya magpalab :)
Next check up nyo po dalhin, baka hindi nya lang nasabi pero ganun naman po madalas sa nxt check up ipapadala ng OB. unless po kung may iba po kayong nararamdaman na hindi maganda punta po kayo agad. pero kung healthy naman po kayo, sa next prenatal check up na lang.
purpose po ng urinalysis is to detect kung may UTI or wala...if paaabutin pa ng 1 month bago mo ipabasa..bka lumala ang uti kung meron man...it would only defeat the purpose bakit ka nagpatest...hindi maganda patagalin ang uti..it could lead to pre term labor...
kung normal naman po results ng laboratories nyo momsh pwede nang next checkup mo nlng ibigay.. 😊 yung OB ko po kasi kapag may pahabol na laboratories, pakita ko lang result tapos bigay lang siya reseta, di na magbabayad ulit ng checkup fee.. hehe
ang alam ko din wala ng bayad kung magpapabasa lang naman ng results nung unang beses ako nilab minissage ko agad sa messenger ng ob ko nireplayan naman nya ako. pero next visit ko hinanap parin nya ang lab results ko
Di nyo po ba sya nacocontact thru online? para maisend po ung result. Sakin po dati pinapasend online ung result then pag wala naman problem eh okay na. Pero pag may nakitang prob sa result need agad bumalik.
Based from my experience since ilang oras lang naman makukuha na result ng urine at cbc , pinapa check ko na kaagad. Di bale na magastos basta maagapan kaagad if ever na may problema sa urine at cbc.
Baka pwede naman na wala ng bayad since ipapabasa lang yung result... Ang OB ko kasi lahat ng labs ko pinapagawa nya a day or 2 bago Kami mag kita para mas updated talaga ang result.