Financial matters

Nung nag umpisa kaming mag asawa sinabihan ko si hubby na sana pagsamahin namin sweldo namin tas pasok namin sa savings then babawas na lang kami ng pambaon at gastusinj kaso di sya pumayag sabi nya magbibigay naman sya so pumayag naman ako. Setup namin sya sa grocery at gasako naman sa panghulog ng kotse at bahay (24k per month) tas kanya kanya ng baon. Mas malaki sweldo ko kaya ganun din setup. Nung nabuntis ako ganun pa din pero nung nanganak ako nahirapan akong mag adjust kasi 2 months akong walang sweldo ubos din kasi leave dahil sa pandemic. Tas nayon 4 months na si baby medyo di pa din nakakarecover sa financial. Tas napilit ko na si hubby na pagsamahin sweldo namin. Pero nung lumabas ang aming 25% ng 13th month (same company kami) yung akin naipambayad agad sa utang. Tas tinanong ko sya kung nakapag withdraw na sya (kasi super said na talaga baon ko) sabi nya oo kaya hiningi ko. Pero medyo pagalit sya na sinabi na sandali naman. Tas nung ibinigay na nya kalahati lang binibigay nya. Medyo nagalit ako kaya di ko na tinanggap. Sabi nya nakapagbigay na naman daw sya nung una (nung nagkasweldo). Napansin na nya na galit ako kasi natahimik na lang ako. Tas binibigay na nya lahat. Sabi nya kaya daw nya di binigay lahat kasi pambayad daw nya ng utang yung kalahati. Paliwanag ko naman sana sinabi nya nung una pa lang tas medyo bugnot ako di ko pa din tinaggap. Pinipilit nya ako na tanggapin kaso di ko tinaggap sabi ko kanya kanya na lang tayo. Tas nagalit na din po sya sa akin. Mali po ba reaksyon ko? #advicepls

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Para sakin mali po yung sinabi mo na "kanya-kanya na lang tayo", oo siguro dala ng inis mo yun, pero mas maganda na lang po na nanahimik kayo kesa nagsalita pa ng ganon, kasi po mag asawa kayo eh, hindi po pwede ang kanya-kanya sa magasawa. Iwasan niyo na lang po na mag salita ng hindi pinag iisipan ng maigi, pag usapan niyo na lang po ulit yung problema niyo ng maayos.

Magbasa pa