Tanong ko lang

Nung kayo po ay buntis e okey lang po ba sainyo na utusan ni mister kahit kaya naman nyang gawin? or sino dito mga nakaranas na nautusan ni mister kahit kaya naman nya kahit alam nyang buntis kayo e pinapagawa pa din po ba nya ung Gawaing bahay mag labas linis bahay

117 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako, never akong inutusan ng asawa ko. Kahit paabot lang. Di niya nagawa. Lalo na ngayong preggy ako. Gusto niya lang lagi lang ako naka rest😊

Ngayon sobrang maselan ang pregnancy kaya lahat ng gawain bahay si hubby muna. Kusang loob din nman nya gusto gawin yun for me and baby 😊

Hala. Dapat si mister mo yung gumagawa niyan. Sakin kasi halos di ako pagalawin ni daddy, yung ultimo pagtayo ko lagi siyang nakaalalay. ☺

Nagkukusa naman po hubby ko. Pero minsan pag wala ako magawa, nagkukusa na din akong kumilos. Naglalambing lang sya minsan ng massage hehe.

Nung buntis ako, asawa ko gmgwa ng mabibigat. Pero kung kaya ko naman, kahit ako nlng. Exercise ko na dn yun, hndi ako tatamad tamad.

VIP Member

Ako naman since kami lang ng hubby ko sa bahay and may work sya akin lahat. Pero sa gabi kapag pagluluto ng ulam sya na gumagawa :)

Okay lang naman kapag kaya ko yung inutos nya ginagawa ko. Pag hindi naiyak ako😂😂. Iyakin ako nung buntis ako😂😂😂

Hindi nya ako inuutusan, sya nagkukusa na gawin baka mapagod daw ako. Pag meron sya gawain nya lahat, magkalayo kasi kami.

ok lang yan sis exercise lang din yan basta di naman strenous ang pinapagawa sayo baka naglambing lang c mister sayo.

Ako po nagkukusa maglinis ng bahay at intindihin sya. Nagwowork po sya at wala naman po ako masyadong ginagawa