Tanong ko lang

Nung kayo po ay buntis e okey lang po ba sainyo na utusan ni mister kahit kaya naman nyang gawin? or sino dito mga nakaranas na nautusan ni mister kahit kaya naman nya kahit alam nyang buntis kayo e pinapagawa pa din po ba nya ung Gawaing bahay mag labas linis bahay

117 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi nya ako inuutusan kaya nya nman mg laba minsan sya ng lalaba pru kasi naawa nman ako sa hubby ko gleng work wla pa masyado tulog taz pglalabahin ko pa. Mga hugas pinggan tsaka sa loob ng bahay sya rin gumagawa.

Kusa akong kumikilos sa bahay kasi maselang ako sa linis ng bahay. Pero sa paglalaba hindi na inaasa sakin ni mr. Yan. Saka sa gawaing bahay tinutulungan ako gat maari wag ako kikilos kaso maselan ako sa bahaY.

VIP Member

siguro okay lang nmn as long as hndi delikado sating mga preggy,like hndi magbubuhat ng nabigat or mahulog. but if there's something wrong na mas mabutinng kausapin mo husband mo para maunawaan nya din.

Aaaaaw, ako din indi inuutusan ni hubby chaka lahat ng gawain ko non sya gumagawa. Kaya sobrang upo higa kumain matulog ako... tamaad ko hehe, pero true po pati water pg kumakain kami ipapaabot ko pa

Sa bahay lang naman ako kaya ako gumagawa pero di ako inuutusan ni hubby.... Pero paglalaba si hubby na nagsasalang sa washing.. Saka lagi nya ako tinutulungan... Ako pa nga madalas mag utos sa kanya

VIP Member

Yes ganon tlga sis para nkakakilos kilos kdn mas ok un, or minsan gusto tlga ni mr. Na inaasikaso sya my mga gnyan kc mas nafifeel nla pag ikaw mismo gagawa, mraming gnyang lalaki. Same here😁

never ako inutusan nun tulungan kami pag weekdays ako lahat pag weekends sya naman lahat pahinga ko daw yun pero minsan tinutulungan ko naman din sya.mas gusto ko nagkikilos para di ako manasin.

same lang kami kaso sakin maliliit na bagay lang lang pwede ko gawin hindi nya rin ako pinipresure kasi bawal ako mapagod..like uutusan nya lang ako timplahan sya ng kape mga ganun bagaay lang

nung malaman ni hubby na buntis ako di na nya ako inuutusan. ako nlng nagkukusa minsan. pero yung mga light na gawaing bahay lng. mommy pag di mo na kaya, speak out. wag maging sunud sunuran.

kase mga moms ung tipong kaya naman talaga nya ayaw lang nya 😂 bigat na bigat nga sa katawan tawag ko sakanya pero di naman katamadan i understand naman kase galing syang work 😂😊