Masama ba akong anak?

Np. Long post ahead. Parant lang mga mommies. Need konlang ilabas ang nasa loob ko baka sumabog na ko. May yaya kasi kami para sa 5mos old baby ko. Since frontliner kami ng asawa ko need namin ng tagapag alaga. Kasama naman namin ang mama ko pero hindi na nya kayangbmag alaga ng bata dahil senior na. Nung una ok naman sila ng yaya pero 1mo lang nakalipas madami na silang pagtatalo. Nung una hindi nagsusumbong yung yaya samin na kesyo minamandohan ng mama ko ung yaya taliwas sa mga utos namin sa kanya. Pero kinalaunan hnd na natiis ngbyaya kaya sinabi nya samin. Pinagsabihan ko ang mama ko na wag pakielaman ung pag aalaga ng yaya since bago namasukan ung yaya samin eh sya nag aalaga sa apo nya from 0-6yrs of age. So fresh pa ang experience kumpara sa mama ko na ako pa ung huling inalagaan wc is 33 yrs ago pa. Pag tinatanong namin kasi si mama noon about sa pag aalaga ng bata ang sagot nya nakalimutan ko na. Pero pag may ginagawa kami na hindi naaayon sa gusto nya sinasabihan nya kami ng hindi ganyan hindi ganon hindi kayo marunong. Syempre bilang first time mom at parent marami kami hindi alam at bumabase sa mga nababasa sa fb asian parenting app, google, youtube at payo ng ibang nanay. Kapapanganak konlang nun nung ginanon ako ng mama ko. Syempre sariwa pa tahi ko dahil cs ako. Hindi man lang inisip na nasa stage pa ako ng postpartum baka ikabinat ko ang pagiyak ko. Fast forward today. Dahil hnd nga ok ang yaya at ang nanay ko nag away nanaman sila. Wala pang 1hr na umalis kami ng asawa ko nagkasagutan sila. Natutulog sa sala ang anak ko nang mag sisigaw na sagot ang ginawa ng mama ko sa pakiusap ng yaya na wag mag lampaso ng zonrox sa sala habang nandun ang baby. Oo nga naman matapang sa ilong ang zonrox kasi kung tayo ngang mga adults natatapangan tayo sa amoy what more pa kaya ang bata esp baby. Hindi naisip ng mama ko na baka sa inis ng yaya eh sa anak namin ibawi ung inis. Napauwi tuloy kami ng asawa ko agad na supposedly errands day namin today. Pinagimpake ko si mama para dalhin sa kuya ko para dun muna sya at hindi na sila mag clash ng yaya. Tinakot pa ko ng mama ko na hinding hindi ko na daw sya makikita pag dinala ko sya sa kuya ko. Pero mas need ko ang yaya na mag aalaga sa anak ko. Ok lang sana kung able pa sya hnd na kami mag yaya e kaso hindi e. Nag aaway na rin kami mag asawa dahil sa ugali ng mama ko. Pinag sabihan na din ako ng byenan ko na hnd na sya maghahanap ng yaya pag umalis ung yaya samin. Si MIL ko kasi ung naghanap ng yaya para samin. Ang hirap pa naman makahanap ng yaya na marunong sa bata. Masama po ba akong anak dahil sa ginawa ko sa mama ko? Somehow naguguilty ako kasi syempre nanay ko pa rin naman sya. Nakakalungkot. Nakakaiyak. Nakakadepress. πŸ˜”πŸ˜­

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

The way I see it, mommy, you've already given your mom several chances for her to respect you as the parent of your child. You're an adult, married, with your own career, and a child of your own. You should be able to decide how you parent without anyone questioning it as long as you're not doing anything wrong. Kahit na sya ang nanay mo, kailangan nyang maintindihan na hindi nya dapat kinokontra ang mga desisyon nyo as long as your baby is safe, happy, and healthy. Bilang nanay mo, dapat alam nya hanggang saan lang sya. Especially sa kwento mo pa, it's not a good environment for your baby na may nag-aalitan sa paligid nya. It's ok to set boundaries. Mukhang kailangan na physical distance muna, that's fine para kumalma muna kayo both sides. Then when you feel ready, talk to her about it calmly but stay firm. Siguro nasa culture kasi natin na sumunod sa magulang pero bilang magulang ng adult, dapat marealize ng mom mo na may sarili ka nang buhay, sariling diskarte, and in fact maganda ngang sign na independent ka na ngayon kasi ibig sabihin she did her job well enough in the past to raise you in such a way that you don't need her all the time, di ba?

Magbasa pa
3y ago

tysm mi. medyo kahit papano nakakabawas ng bigat sa damdamin. :)

thanks mi. but the prob is my mom is a close minded person. imagine hindi nag susumbong ang yaya samin but we saw qhat happened thru cctv. tapos nung confrontation sagot ng mama ko sinungaling daw si yaya. epal daw, pumapapel para hnd paalisin. but come to think of it kami ung todo pakisama para hindi umalis samin ung yaya and syempre hindi maltratuhin anak namin if we are on duty. nakakaiyak, nakakafrustrate. inaalala ko lang ang anak ko pero parang sa tingin ng ibang tao ang sama sama kong anak. as if i abandoned my mom pero sa kuya ko lang naman binigay. πŸ˜”πŸ˜­

Magbasa pa
3y ago

wag mo na isipin ang ibang tao. ma stress ka lamg lalo. and alam mo naman na magigimg ok ang mama mo sa kuya mo and also ung baby mo sa yaya nyo. so wag mo na isipin masyado. pa sasaan pa magiging ok din kayu ng mother mo. pray lang

Super Mum

for me, i cant totally say na mali or tama. mahirap di kasi baguhin sa oldies ang mga nakasanyan nila ( kahit hindi tama). pero you are torn between being a mom and a daughter. and agree na baka kay baby mabunton ng yaya ang inis and galit kay baby and the difficulty to find one.siguro let your mom.cool.down a bit, talk to her ( again, if you already did) kung ano ang pwede nya saklawan kung sakaling magstay sya sa inyo ulit.

Magbasa pa

its ok mamshie..try to communicate pa din sa mom mo kahit nasa kuya mo na para di tlga siya magtampo sayo totally.. hindi talaga swak may parent or in law sa bahay..ok lang kung padalaw dalaw lang sa inyo..pero dapat pa din may cctv kayo para at least monitor mo pa din si yaya since sya na lang maiwan sa mga anak mo..in time mawawala din tampo ng mom mo..alam mo naman matatampuhin tlga mga oldies :)

Magbasa pa
3y ago

sa ngayon palamig ulo muna kami. and yes may cctv naman para icheck si baby from time to time lalo na pag nasa work or outside to do errands