Dapat nung una pa lang nag set ka na ng boundary kung ano lang nararapat niyang sabihin. Hindi talaga maganda na pag usapan ng magkakaibigan ot kahit magkakapatid yung mga bagay-bagay na dapat kayo lang mag asawa ang nakaka-alam, kahit pa mag tanong sila. Minsan kasi masyado nating hinahayaan yung tao maging open satin to the point na nahihiya na tayo mag set ng boundary dahil sa kung ano mang dahilan. Kapag ganon mahihirapan ka na mag set ng boundaries na sobrang na breech na. Maging open ka sa asawa mo kung anong nang yayari sayo at anong mga ikinababahala mo. Kung mayroon ka man dapat na maging bestfriend dapat ang asawa mo muna yun, dahil siya ang makakasama mo habang buhay. At the same time kausapin mo yung kapatid mo ng maayos, ipa-alam mo yung katotohanan na hindi ka talaga komportable.
Anonymous