Rapid Weight Gain

My normal weight is 54kg. From January to February, 4kg agad tinaas ng weight ko kasi 58kg na ako ngayon. Medyo bothered ako kasi parang ang bilis kong mag gain weight unlike other mommies na halos parehas pa din yung weight, lumaki lang tiyan. #firsttimemom

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Dapat 1 cup of rice or half cup lang, then damihan mo ulam mo. Small frequent meals. Tsaka Momsh expected talaga kasi nag gain weight tayo mga preggos kasi may baby tayo sa loob. Ganyan din ako nong una bilis nag gain, pero I have to control it or else mag gi-give in talaga at masanay katawan sa big amount of food intake. Nire remind din aki ni OB to only gain 2 -3 pounds lang. Nong January after the holidays, nag gain talaga ako 9pounds, then, Feb lampas ng 3 pounds yung gain but at least nabawasan po, ngayon nag steady na weight ko pa unti2 lang ang gaining ko ngayon, para pasok sa 2-3 pound monthly. Avoid then white bread, wheat bread nalang po muna, eat food that rich in fiber para di madaling magutom.

Magbasa pa

depende naman yan mommy sa kinakain mo at selan ng pagbubuntis mo. some pregnant women lose weight dahil hindi makakain ng maayos, or sinusuka lang din kasi nila lahat ng kinakain nila or minsan no appetite at all. some naman parang di dumaan sa paglilihi. and don't mind your weight too much lalo na kung first trimester pa lang. magworry ka pag nasa third trimester ka na tapos masyadong malaki yung baby mo. I only weighed 48kgs prepregnancy. 52 ako when I turned 2 months. then 63kgs before birth.

Magbasa pa

ako normal weight is 56kg hanggang first trimester na gain na ako ng weight nung second tri. from 56.0kg naging 59.8kg (3kilos agad grabe) tapos ngayon 7 months ako naging 61.4kg timbang ko which is 1.6 tinaas ko . a total of 5.4kg lahat ng na gain ko this months . . . hindi ko nga alam kung kailangan ba magbawas o magdagdag timbang , wala naman advice ang OB ko .

Magbasa pa

kung hindi ka nmn po maselan o risky magbuntis pwede ka po maglakad lakad pero ask nyo pa rin po OB nyo kung pwede ka po mag exercise ako kc hindi pwede kaya eto ang bilis tumaba kunting lakad kht sa cr lang hinihingal n agad ako

72 kilo na ako. Worry din ako. Pero mukhang ok nmn weight ni baby sa age nya. Dapat 28 weeks na si baby pero 24 weeks pa lang daw sabi ng sono. Ewan. Ask ko pa kay OB ko bkt ganun normal lang ba un? Do i need to worry and eat much?

2y ago

magbabase daw po sa first day Ng last menstruation ang counts po para malaman kung Ilan weeks na si Baby.. Ako din kulang bilang ko kasi nagbase Ako sa last day ng period ko dapat daw 1st day ng last period

si OB mo makakasagot niyan mommy kung ok pa rin ang weight gain mo.. si OB ko kasi advised sa akin dapat 2kg per month lang ang Pag taas ng timbang ko kaya maintained ko lang ang weight ko nun. .

ako from 53 before magbuntis naging 62kg n agad in 5 months mukhang aabot n nmn ako neto ng mahigit 70kg katulad sa bunso ko,mabilis po ako tumaba kc bed rest lang ako

depende po saken kasi sabi ng OB ko from 53kgs dapat daw monthly mag gain ako ng 1.3kilos para healthy daw si Baby

Eat healthy lang po at iwas sa matamis. Pero bilang buntis magutumin po tayo kaya kain lang basta healthy.

ako every month 4kilos ang binibigat ko😅 sana'y hindi malaki si baby para iwas cs😥