Normal bang magsuka si baby?

Normal po bang mag suka si baby 1 month old po siya. Isang beses sa isang araw po siya sumusuka. Hindi po yung lungad Kasi madami po siya. Sana po magasot #1stimemom

Normal bang magsuka si baby?
9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din po lo ko. Minsan nga every pa dede sumusuka siya, 1month and 5days na sya now. since umuwi kami galing panganak ganun na talaga sya. If breastfeeding wala pong over feeding yan, kahit minuto minuto ka mag papadede. If formula naman yun dapat 3 to 4 hrs or 2-3 hrs. Pinacheck namin sa pedia ang sabi it's normal daw. Lalo na kapag lalake, kasi nagpapalaki po yan sila. Mabilis uminom ng gatas, mabilis lumaki. Wala naman po dapat ikabahala kung wala naman pong kakaiba sa suka ni baby niyo. If gatas2 lang normal po yan.

Magbasa pa
5y ago

Ganyan talaga yan momsh. Aang mahirap lang jan is yung di sya pwede tulugan ng lahat baka kasi kapag nagsuka sya malunod sya kasi sa ilong lumalabas din. ganyan na ganyan si lo ko momsh, minsan umiiyak pa yan kapag pina pa burp kasi puno ng hangin ang tyan. Kapag talaga lalaki na baby mas maraming kaso na ganyan kasi mabilis sila magpalaki ng sarili nila kesa sa babae. Advice kolang wag talaga sya hayaan na mag isa lang walang bumabantay kasi anytime yan magsusuka eh what if tulog kayo pareho ni hubby mo. Ayon naman sa pedia nya normal lahat naman si baby ko. Normal lang po talaga yan. mawawala din po yan kapag dumating yung buwan na marunong na sila mag control ng sarili niya lalo na sa pag dede. :)