asking for being emotinal

normal po ba sa buntis ung maging emosyonal ung konting mali lng iiyakn na may naka experience na po ba ng ganun ?#advicepls

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yes po ๐Ÿ˜… base on my experience recently lang ung walang dalang pasalubong ung hubby ko tas nasa isang sulok ako kumakaen ng skyflakes habang umiiyak hahaha ๐Ÿ˜‚๐Ÿ™Š natatawa hubby ko sakin pero sorry ng sorry ano daw ba gusto ko bibilhin nya (kasalanan ng hormones toh ee)

yes po Haha Ako nasa 2nd trimister palang kadalasan kasi pag umaga ako lang mag isa sa bahay pag namimiss ko mister ko naiiyak ako HAHA parang iwan๐Ÿ˜† tas masigawan lang kaht kunti iyak na agad. makipag usap lang pag masama loob ko naiiyak nako๐Ÿ˜…

VIP Member

Opo mamshie ako 2nd trimester ko ung talagang emotional ako na kahit minsan nag kwento lang ako naiiyak na agad ako. Or pag mag isa ako bigla nalang ako maluluha. Normal lang sya mamshie dahil sa hormomal changes natinโ˜บ๏ธ

Yes po common po sa buntis yan mommy.. 1st month ko until mga 1st week ng March ganyan ako super sensitive.. naiiyak na lang ako sa inis na parang bea alonzo ang peg "bakit parang kasalaman ko? " ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

Sobraaa sobrang sensitive ko rin dahil sa raging hormones na yan. Hindi lang pala narinig ni hubby na tinawag ko siya akala ko hindi niya na ko pinapansin na sadya. Nagsenti na ko ng bongga ๐Ÿคฃ๐Ÿคฃ๐Ÿคฃ

Ako po, during 2nd trimester. As in, kahit walang dahilan iniiyakan ko HAHAHAHA! Ngayong 3rd trimester naman ang nipis ko, mejo taasan lang ako ng boses umiiyak ako hahaha. Isisi sa hormones yan! ๐Ÿ˜‚

VIP Member

Yes po. Wait nyo po after nyo manganak, mas magiging emotional kayo mommy. Pag umiyak si baby at sobrang pagod ka na, sbayan pa ng puyat. Yun po tlga, nkakaiyak. ๐Ÿ’™

yes.kahit sobrang liit na bagay iiyakan ko nung buntis ako tas pag susuyuin na ako ng asawa ko tas napakalma na ako saka ko marealized na maliit na bagay iniyakan ko

Yes, sakin hindi ako iyakin pero ngaun naiiyak ako agad tulad ng tinatamad ako mag lutu pero gutum nako ๐Ÿ˜‚ o kaya kulang ng piso ung pambili ko ng mcdo

base on my experience naging iyakin nga ako pero lahat yon kumbaga may reasonable kaya umiiyak ako di pa ata ako umiyak sa mababaw lng ang reason.