7 weeks pregnant
Normal po ba na wala pong morning sickness like pagsusuka ganun at hnd rin ako antokin, diba po usually pag buntis antokin pero ako hnd naman, masakit lng ang nipple ko palagi at bloated, normal po ba yun wala masyado symptoms? sana masagot po #firstTime_mom
Everything depends sa katawan ng tao, kung maselan o hindi, iba iba tayo ng experience sa pregnancy. We can't compare. Ang mahalaga, updated ka sa checkup at condition mo at ng baby mo para sure ka na healthy kayo pareho.
you're lucky po di maselan pregnancy mo hehe. ako nun hilo, suka, antok, di makakain kahit water sinusuka, lahat mabaho haha kaya nakaka inggit ung mga mommy na di maselan. as long as may frequent checkup ka sa OB no need to worry โบ๏ธ
normal lang yan mii, baka hindi ka maselan mag buntis. nung mga first weeks ko hindi rin ako nagsusuka or nahihilo. kung kelan patapos na yung first trimester, saka naman lumabas ang morning sickness ko ๐
same here .. 12 weeks preggo and always thankful Kay Lord kasi di ako ngsuka or naglihi. antukin lang, malakas Kumain tsaka ihi ng ihi. ngvavolleyball pa nga ako nung 9 weeks kasi di ko alam na preggy na Pala ako. ๐
yes po normal lang. same tayo walang morning sickness kaya laking pasasalamat narin dahil naka pag trabaho pa ako ng 6mons. mga kasabayan ko ding na buntis , ayon resign di kinaya morning sickness .
ganyan din po ako, 7 weeks na rin. wala pa masyado nararamdaman na kakaiba. Iba-iba po siguro talaga. Pero ngayon pa lang siguro magsisimula, nahihilo na kasi ako at nagsusuka.
same din sa akin wala akong naramdaman pwera lang sa medyo antok lang tapos wala ding lihi napapatanong pa nga ako nung una kung totoo bang buntis ako haha pero 30 weeks na ako ngayon
Mabuti Kayo walang morning sickeness haha, Samantalang Kami, Ultimo tubig na iinumin feeling mo ang pait, Suka here, suka there, ayaw ng amoy ng pabango, bawang sibuyas hahaha
ganyan aq mommy hindi aq maselan sa paglilihi never aq nakaramdamnsa pang apat q pagdating ng ika 3rd trimester q grabe totally bedrest na at nging sensitive na pagbubuntis q.
normal lang yan momsh and baka di ka maselan,tsaka baka next few weeks mararamdaman mo na mga symptoms. Wishing you a healthy pregnancy. ๐
thank you po