36Weeks 3Days

Normal po ba ito? Since 11pm masakit na puson ko until now 2am, ang tigas niya sa puson ko, tolerable naman yung sakit pero hindi ako makatulog kasi hindi ako kumportable. Sino po nakaka experience ng ganito? Ganito na rin po ako nung nag 34weeks. Oras din po ang sinakit niya nawala naman po pero hindi kagaya nung ngayon na parang lalabas siya kasi ang bigat puson ko , iniisip ko baka nagre-ready lang siya sa paglabas. Since wala namang ibang nangyayari like bloody discharge or what. #FTM

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

32 weeks po ako ganyan din po naramdaman ko nung August 6 pero yung magtigas ng tiyan ko po ay may kasamang sakit din ng balakang kaya po nagpacheck up ako then sabi ng ob nagppreterm labor na pala ako. tumanggi ako magpaadmit dahil okay naman heart beat ni baby,pero binigyan naman ako ng gamot pampakapit then kelangan talaga ng bed rest po.

Magbasa pa

36 weeks and 3 days din po ako ganyan din po ako now , nasakit yung puson ko kabilang side lang naman po medyo Kinakabahan po ako kasi first time mom tapos yung balakang din medyo kumikirot

mag 36 5days weeks din ako mi lageng natigas tiyan ko. hirap din makatulog sa gabi.. muka ng zombie dahil puyat πŸ˜… sabi nila nag reready na daw si baby pag ganun.

pacheck na po kayo momshie para sigurado. baka po pala nagpepreterm labor na kayo. need pong maagapan yan kasi +36 weeks palang po kayo.

36 weeks and 3 days din here, biglang sumakit din sakin ngayon pero nawala uminom ako tubig tapos dna bumalik sakit

Ganyan din aq mih, pero sabi ng ob q, natural lang daw yan kasi nag reready na si baby para lumabas.

, pag pabalik balik Ang sakit sign of labor and orasan mo po