not happy with baby's gender

Normal po ba ito? Nalungkot ako lalo na si LIF as in malungkot po siya. Baby boy gusto namin. Sinunod po namin Chinese calendar, nagpaconsult sa OB..lahat lahat po. Pero kanina baby girl nakita namin 90% baby girl. Iyak ako ng iyak kasi parang ayaw na niya ako alagaan.. Sabi niya sure raw ba ako na itutuloy daw namin. May tita raw siya sa America na hindi nabubuntis. Nawalan tuloy ako ng gana.

427 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kalungkot nmn kung ganyan lahat ng lalaki 😡😡😡 alam mo momshie alagaan mo anak moh . ganyan din partner ko eh peru hinayaan ko nlng sya hanggang sa unti2 nyang tinanggap ang bb girl namin . kahit until now parang boy parin ang trato nya sinasabihan ko nlng sya na babae anak namin minsan . anak moh po isipin nyo huwag yung LIF nyu . marami pong lalaki pweding palitan yan eh ang anak nyu sariling dugo at laman nyu po yan .

Magbasa pa
5y ago

Pasalamat ka sa gorl mong nanay na nagsilang sayo :) kung ganyan ang ugali, gorl o boy ka man, walang gugusto magkaanak na parang ikaw.

Ganan din noon hubby ko sakin.. Nung ngpaultrasound kmi super excited xa then nung nlaman nyng baby girl cnbihan nya ako na nkkwalang gana dw aq.. Pero nung nilabas ko na si baby nmin natulo luha nya sa tuwa kasi kmukhang kmukha nya then now npakaspoiled pa sa knya at lagi sya ang hinahabol kesa skin. Kya dont loose hope sis sa ngaun nyo lng yan mrrmdaman pero pg lumabas na si baby sobrng sarap sa pkrmdam

Magbasa pa

Mas prefer ko din boy, pero kahit ano pa man yung ibigay ni Lord tatanggapin ko pa din ng buong puso. Okay lang din naman sakin if girl. May mini me na ako pag ganun. Pag boy okay lang din kasi single mom na ako, first baby din tong nasa tiyan ko. Lagi kong pinagpepray na baby boy para may magmamahal na sa akin ng totoo at hindi ako iiwan. So nung nagpa ultrasound ako it's a healthy baby boy! I'm so happy!

Magbasa pa
VIP Member

Kawawa naman ang baby di pa man lang ay. Hays be thankful na lang po kahit ano pa gender importante healthy si baby.Pinsan ko tagal inasam magkaanak nagpaalaga sa ob uminom sangkaterba vitamins yung mag asawa pero wala talaga nag ampon na lang sila sobrang happy namin para sa kanila kasi masaya na sila sobra. Kaya be happy po andami gusto magkaanak kayo binigyan kayo ni Lord kaya be thankful and grateful.

Magbasa pa

Anak ba ng hari ang asawa mo para may pasahan ng corona kaya kelangan lalaki tlga??? Maraming baog nangangarap magka anak ha. Para umasta ng ganyan asawa mo... And sana maging totoo kayo sa sitwasyon ha.. Baka mamaya kung makademand na lalaki anak asawa mo wala namn pala pang sustento. Better yet wag tlga xa mangarap mag anak.. Dahil kung tutuusin kahit ano ipanganak nyo tanggapin nyo yan

Magbasa pa

Be thankful kung ano yung binigay na blessing ni God alagaan niyo sya ng buong puso niyo kasi mararamdaman ng baby na hindi niyo siya gusto hanggat maaga pa momsh kausapin niyo si baby. Ako nga mag 7 months ng pregnant kaso si baby patay na sa loob ng tummy ko. As advised lagi kyong mg simba at wag mawalan ng faith kay God sa ve thankful sa lahat ng blessings na bigay niya sa atin.

Magbasa pa

Seryoso? Ano b yan LIF mo? Dugong bughaw sa korea china england o kung saan man? Kelangan lalaki ang unang anak? Grabe po kayo. Itutuloy? O Ipamimigay ninyo sariling dugo at laman ninyo dahil lang sa babae siya? Kung ako siguro yung baby at nadidinig ko kayo 2 mag usap mga magulang ko... hindi na muna ako lalabas.. papalipas muna ako ng 20years sa tyan mo bago ako lumabas! Unbelievable!

Magbasa pa

Napaka babaw naman po ng love nya kung nakabase sa gender ng baby yung amount ng care na ibibigay nya sayo at love na ibbgay nya sa baby. Hindi naman po tayo lab animals na kung ano ang gusto nilang outcome eh imamanipulate, pag nagfail , iddisregard. Wag kang mawalan ng gana sa pagbubuntis mo , alagaan mo si Baby. Nakakadisappoint ang mindset ng LIP nyo mommy. Very shallow. Please pray :)

Magbasa pa

kung ganyan lang din yung mindset niyo mag asawa dapat di na kayo ng anak..ang dami mag asawa ang gusto magkaroon ng anak pero di mabiyayaan tapos kayo di lang nasunod yung gender na gusto niyo ayaw niyo na? edi sana nag ampon nlang kayo ng baby boy edi sure na lalaki..di yung ganyan kayo..biniyayaan na nga kayo d pa kayo marunong magpasalamat..ngayon palang naawa na ko sa baby niyo..haist

Magbasa pa

Buti nga kayo may baby na agad, ako ilang year pa namin to hinintay dahil may PCOS ako 5weeks preggy palang ako, pinagdadasal ko maging okay ang anak ko maging kumpleto sya, walang kakulangan at healthy. Kung mahal ka talaga ng partner mo tatanggapin nya ang blessing na binigay sainyo ano man ang gender nyan. Your already a mother gawin mo lahat para sa ikakabuti anak mo.

Magbasa pa