Tamad na Boyfriend

Normal paba to? Napakatamad ng bf ko. Lagi ko nlng siya iniintindi. Nung hindi pako preggy ganon siya, Ako taga hugas/Laba/Linis ng bahay siya Buong maghapon computer wala pang work ako pa nagwowork. Pero sabe nya magwowork daw siya pero kapag uutusan mo naman sasabihin nya lagi " Tinatamad ako lumabas by eh " kaya hinahayaan ko nalang. Pero ngayong pregnant nako ganon parin siya, Lalo na pag gutom na gutom ako wala talagang magagawa kundi magintay ng mauutusan kahit mamatay na sa gutom. :/ Pero pag mag search/stalk ng ibang babae ang bilis. Hays what to do? Iwan naba? Or intindihin pa dahil masyado lang akong oa/dramatic dahil pregnant ako? Btw 12 weeks pregnant here.

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sana po bago ngdecide mgka-baby ng-isip k muna sis kng responsable b syang partner or tatay, buntis kna hindi pa rin ngwwork..ok lng un tamad sa bahay, gnyan din asawa ko pro pg food, ibang usapan n un, bawal magutom sa bahay nmin hehe. pag gawain bahay nmn may katulong kmi n stay-out at lagi sagot ng asawa ko "i can pay", kya di ko tlg sya mapilit gumawa ng gawaing bahay kc financially, binibigay nya buo sahod samin. mahirap yan pg lumaki n tyan mo at di mo n kaya kumilos, pati pg nanganak ka, sino mg-aasikaso sayo. at pag natigil ka mgwork, san kyo kukuha panggastos..try mo umuwi muna senyo bka matauhan, pag hindi, kalimutan mo na at dagdag sakit ng ulo lng ganyang lalaki..mga ganyan pinapalayas tlga

Magbasa pa
5y ago

Unexpected po pag bubuntis ko mamsh

di worth it kung magsstay ka sa ganyang klaseng tao. Pero since magkakababy na kayo, magsstick ka kasi ayaw mo lumaking walang dad si baby. But for me, kung masstress ka lang, why stay? Maiintindihan nmn ni baby yan pag lumaki. And who knows, someday makatagpo ka nang taong worthy at mamahalin si baby. Kasi ngayon pa nga lang, hindi nya iniisip yung kapakanan mo na buntis ka, how much more sa worst times dba? Pano pagkalabas ni baby at haharapin mo PPD mo, lalo ka lang mddpress kasi di ka nya tutulungan. You need someone who can help and understand you. Always.

Magbasa pa

Kausapin mo siya sis. Nasanay siguro siya sayo na ikaw lahat pero ngayon na buntis ka dapat tulungan kayo, hindi pwede ang sagot ay “tinatamad ako by eh”. Magiging ama na siya kaya dapat maging responsible siyang ama. Dapat nga ikaw sis, ang inaalagaan niya kase lalo’t buntis ka. Try mo kayang ipabasa yung mga comment na to sa kanya para maliwanagan naman siya at marealize niya yung mali niya sa pagkatamad.

Magbasa pa
VIP Member

Una kausapin mo po sia, kailangan niya g maintindihan maging responsible partner at soon to be dad.. Kung ayaw parin Magbago , bigyan m na ng ultimatum.. Mas mahirap makisama sa ganyang tao.. Nakaka stress lalo na bawal mastress ang buntis.. Seek advice din sa mga parents nio baka makatulong din cla sa sitwasyon nio.. Lastly, always pray for him.. Nothing is impossible with God.

Magbasa pa

If ganyan na nya from the start and wala naman nagbago even nakausap mo na and pregnant ka. Might as well mag isip kana. Remember you said na from the start ganyan na sya so ayan ung mga bagay na you have to live by. Ask yourself kung kaya mo ba intindihn nyan araw araw, kasi kung hindi you need to think for you and for the baby.

Magbasa pa

Tingin ko Naman kailangan talaga kausapin Ng mabuti Yan e. Kasi di Naman sa lahat Ng oras ikaw na lang lagi. Paano kayo mabubuhay Ng maayos. Hindi sapat na dahilan ang tinatamad lang. Ano nung bumuo Ng Bata Ang sipag pero nung nabuntis tinamad. Kung may gusto siyang patunayan bilang lalake magsipag siya.

Magbasa pa

Oo sis kausapin mo, ako bf ko di naman sya ganyan naghuhugas tsaka naglalaba sya ikaw kumausap sakanya pano naman yung baby nyo kung laging ikaw nalang diba? Usap kayo para disya,lalong masanay ikaw mismo mag open nyan baka sakaling maintindiahan kanya preggy kapa naman.

Kausapin mu cea momsh kc pnu nlang kau ni baby nde nman puide na ikaw ga2wa sa lahat..dpat ngaun plang gmwa cea ng praan pra mkhnap ng work kc mgka2baby na kau..If nde tlga gmwa ng hakbang iwan mu nlang muna ng 2weeks or 1month pra marealize nea na mali cea kc kwa2 kau ni baby

My kilala ako ganyan pero naka 3 baby na sya.. Asawa nya ang kawawa. Wala sya work, meron man tamad pumasok o di kaya tatambay dito sa bahay hanggang maghapon tsaka uuwi..Kalalabas lang ng isang baby nya grabe lang. Nakakaawa mya asawa nila

Naniniwala ako na ang pagiging tamad ay sakit na..kaya kung tamad sya ngayon tamad pa din yan and so on and so forth..wala k mapapala kung habang buhay ganyan set up ninyo..😔