41 Replies
May experience ako...panaginip sakin pero parang totoo, may salita sa bisaya na "gilamat or lamat"dko lang alam yung term sa tagalog,kasi 2 lang kami ng eldest ko na natulog sa bahay dahil pang gabi hubby ko at that time...habang natutulog kami pinipilit yung pinto namin na buksan(4months preggy po ako now), yung pinto namin papasok ang bukas pero sa kanya palabas at pwersa talaga na binubuksan hanggang sa nabuksan kaya kahit natatakot ako tumayo parin ako at humarap ako sa pinto pero wala akung makita kasi ang dilim kaya nabigkas ko ang ante ko para humingi ng tulong pero pagkabigkas sa ante ko nagising na din ako tiningnan ko ang pinto para makasigurado at sarado ng naman talaga...kinabukasan nakwento ko sa katabingbahay yung panaginip ko...sabi naman nung panganay nila"ate kagabi kasi may naririnig dn ako na katok ng katok gusto nga buksan yung pinto namin pero natatakot yun pala sa inyo pala yun"kaya napaisip ako sa panaginip ko kasi narinig naman ng katabingbahay namin...
Yes po ako noon lagi ako nananaginip na dinudugo ako, tapos kung ano mga kinakatakutan ko yun lagi ko napapanaginipan, tapos lagi ko din napapanaginipan na may babae yung partner ko, noon nababahala ako hanggang sa tumagal nasanay nalang ako na ganon talaga at may tiwala naman ako kay partner na di nya yun magagawa sakin. Ahhahaha, tapos lagi din ako nagigising ng madaling araw, 2AM or 3AM, nasasakto pa na ganyang oras.
Ako nung 3 months lagi ako may bad dreams actually dalawa kami ng asawa ko pag natutulog kami sa bahay ng mama ko sa rizal saka tuwing madaling araw umaalulong yung dog namin tapos minsan may mga tunog ng ibon o yung tinatawag nila na ibon tiktik. Ngayon umuwi na kame ng asawa ko sa house namin meron pa rin pero di na palagi naglalagay nlng ako ng rosary sa may ulunan ko or sa ilalim ng unan ko.
Nagbasa ako about dyan, since every night ako may vivid dreams, dahil daw sa changes ng hormones natin kaya nakakapag causes ng vivid dreams. Pero ginagawa ko, nagpi pray ako and diko ini entertain yung vivid dreams ko esp bago mag sleep kasi sakin kapag lalo ako natatakot dun nagti triggered magka vivid dreams. Relax lang bago mag sleep, iwas nega thoughts pilitin po.
ako madameng beses nag kakabad dreams :(( pero yung hindi ko makakalimutan yung biglang wala ng laman yung tyan ko from lobong tyan to flat pero nahawakan ko pa yung heart tapos tumitibok pa tapos pinilit ko magising, yung recently naman napanaginipan ko lip ko na may ka sex na iba tapos nag saya-saya nya daw😩
Ako sa isang araw ata napakarami kong dreams at madalas, mejo bad pero di naman related sa baby or death or what. Yung mga tipong panaginip na wala na daw kami makain or napodlock daw kami dahil may zombie sa labas🤣
Ako din halos araw araw, simula nung nag4 months ako, akala ko ako lang nakakaranas neto, umiiyak nako sobra takot kasi ang papangit ng mga napapanaginipan ko, tas sobra bigatng katawan ko kagising ko.
Share ko lang din ung dream ko na nakunan ako.. Sobrang takot ko Since that night.. mas nahirapan na ako matulog and nasakit na rin yung puson ko.. 😞 Normal pa ba yun?
nanaginip din ako ng ganyan. sana gabayan tayo ni lord always😥 sana always safe si baby.
Early signs nga daw po ng pregnancy ang weird dreams.Naeexperience ko din kasi yun.Much better po,ipanatag nyo isip nyo,iwas sa stress,think positive and pray for peace of mind.
Kakapanaginip ko lang din nung isang gabi, sumingaw daw ulo ng baby ko sa loob then yung mukha niya bakat sa left leg ko pero sumisipa pa din siya sa may puson ko.
Avery