..

.. Normal ln po ba to,? My kulay orange s diaper ng baby ko?

..
19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Magandang hapon! Ang init!!! Marami pong mga magulang ang nagmemessage po sa akin tungkol sa kulay pink o orange na mantsa sa diaper ng babies nila tuwing iihi. Halos lahat sa kanila ay hindi naman nanghihina, malakas pa rin magbreastfeed at hindi nilalagnat. Maaaring ang stain na ito ay mga "urate crystals" na meron naman talaga sa ihi ng babies pero mas nakikita lamang ito kung concentrated ang ihi. Dehydrated? Maaari. Dahil sa init ng panahon, madalas pagpawisan ang baby, mas kailangan nilang dalasan ang fluid intake. Ibig sabihin, si mommy kailangan mas dalasan ang pagbreastfeed kay baby, at damihan ang pag-inom at pagkain ni Mommy. Kailangan ba dalhin sa ospital? Kung masigla po si baby, hindi nilalagnat at umiihi po 6x a day, hindi kailangan. Kailangan ng urinalysis? Observe lang muna. Kailangan na ba magformula? Hindi po. Ang breastmilk po ng ina ay at least 80% water kaya much better pa rin po anf breastfeeding. Kung more than 6 months old, na ang baby, pwede na ng kaunting water pangtulong. Kung hindi pa rin mawala ang stain kahit madami na fluids at nilalagnat si baby, paunti unti ang ihi, saka makipagugnayan sa doktor for a urinalysis. Ano ang mas malalang senyales ng dehydration na kailangan dalhin sa ospital? Kahit ano dito: 1. Walang ihi sa loob ng 6 na oras. 2. Irritable o walang malay ang bata. 3. Uhaw na uhaw si baby at irritable 4. Walang luha, malalim ang mata at tuyong tuyo ang loob ng bibig. Kapag ganito, ipagbigay alam sa pinakamalapit na ospital para madala sa ligtas na ER. Magbigay ng ORS (oral rehydration solution) habang naghihintay sa pagpunta sa ospital (magtanong online sa doctor na maaring makatulong sa dosage).

Magbasa pa
9mo ago

Ung baby ko naman po may orange sa diaper nYa tapos maliit lang naman po di namann po sya nilallagnat matakaw naman. Dumede mayat maya oky lng po kaya un nainom na din naman po sya ng tubig di po kaya un dahil sa vitamins na iniinom nya. Tska breastfeed naman po ko. Simula. New born nya

VIP Member

Dehydrated po, ibig sabihin kulang sa iniinom na gatas. Padedehin lang ng padedehin. Or kaya nabababad sa punong diaper kaya palitan agad if napuno at linisin ng maayos. If di pa rin nawala ng ilang araw or lumala, pwedeng cause is uti kaya mas okay pacheck up. Try niyo po yung Bayanihan MD sa fb, may pedia po dun, chat lang kayo.

Magbasa pa

Ganyan din po ung sa baby ko. 6 months old na po sya. Orange din ung sa diaper nya tapos may konting spot. Maliit lang namaan sya .matakaw naman sya dumede mayat maya masigla din naman sya .bakit kaya ganun. Dahil ba un sa iniinom nyang vitamins. Kaya ganun kulay ng. Ihi nya.

Baby ko po yellow ang ihi sa diaper Peru pag umiihi Naman syaa Ng walang diaper...color white Naman po lumalabas sa tt nyaa... worried lang po kc Ako.. turning 5mos. OLd pa Lgg po baby koo now.. salamat po in advans sa makakapansin

Post reply image

Ilang days p lng b c lo mo?pg wla png 1 month normal lng po yan.gnyan dn kc sa lo ko dati my mga patak p nga ng dugo pro nwala dn nman.ngaun normal n color ng wiwi nya

4y ago

nag 3 months na lo ko nung 4 lng. tiki tiki plang nmn ang pina painom qng vit sa baby ko eh.

Ganyan din nangyari sa baby ko 😥 6 months old. lagi ko pinapainom ng water and pinapadede sakin. pero di naman nagbago si baby masigla at madaldal pa din.

Baby ko din sis 3months old may konting stain sa diaper kulay pink parang powder tinobuan kase sya ng ipin eh... Normal lang po ba yon mga momshie😢

Hello mga momsh ask ko lang po if normal ba to? 4months old na po baby ko natatakot po kasi ako e

Post reply image
VIP Member

Uti yan sis.. Kung wla pa 6months c bby mo padedehin mo lng lagi

Ganyan din po sa baby ko now. 4mos old. Ano po ginawa mo mommy?