37 WKS PREGNANT WITH GDM

Normal lang po ba yung sobrang excited akong lumabas si baby kasi full term na kami? As in excitement lang po nararamdaman ko, walang halong kaba o anxiety. Ang di ko lang sure kung via CS or normal kasi may GDM ako :3 hahaha pero sobrang excited na po ako. Last week, nakaready na yung hospital bag namin, mga docs namin, prepared na before pa ko mag 36 weeks 😂😂 Mga momsh, sino dito may GDM nung nanganak, pashare namn experience nyo if CS kayo or normal, or nag e-CS kayo? Tsaka ano po mga kinonsider nyo bago kayo nagsabi na CS na lang kesa sa normal. Hehe salamat po #firsttimemom #firstbaby #FTM #firstmom #advicepls

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Tinanong ko yan sa endocrinologist ko, hindi daw naman lahat ng may GDM nauuwi sa CS, karamihan talaga normal pa din, pero since mataas sugar natin, possible na mataas din blood pressure natin so pwede tayo mauwi sa eclampsia yun ang iniiwasan kaya nauuwi sa CS delivery sabi ni doc. Hindi pa ako nanganganak 33 weeks palang hahahaha excited na din kaya kung anu ano na tinanong ko kay doc kung cs ba or normal sa ganitong case.

Magbasa pa
3y ago

nakakaexcite lang kasi mi kung kailan natin mahahawakan si baby. gusto ko sana normal delivery para hindi rin masyado malaki gastos kaso di sure ung labas ni baby kung kailan, kaya parang gusto ko rin minsan ng CS hehe

up tnx