Baby Bump 6months and 3days

Normal lang po ba tiyan ko? 6 months na ho kase ako pero dipo masyadong halata baby bump ko

Baby Bump 6months and 3days
15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

First baby mo ba? If yes, natural na maliit talaga. Pero no need to worry kung sa check up mo naman ay nasa tamang size at weight si baby ayon sa gestational age nya. Mahirap mag compare ng baby bump sa ibang buntis kasi magkaka iba tayong lahat ng built ng katawan.

4y ago

ganyan din sakin ngaun maliit lang tiyan ko 6months na

Hmm para sakin maliit sya sis pero iba iba naman tayo e may malaki mag buntis may maliit mag buntis katulad nung kaibigan ko 9mos na tyan nya nun pero mas malaki yung sakin e yung tyan ko mag 5mos na.

Normal lang po yan Mommy. Kapag 7mos ka na biglang lalaki baby bump po kasi mas mapapadami kain mo hehe at bibigat din si baby.

Same tayu 7months po ako pero Di po halata pero lumalaki na paunti unti yan sis gaya akin lumaki paunti unti

VIP Member

Normal lang po. As long as healthy and ok naman lahat ng result ni baby, wala kapo dapat ika worry :)

VIP Member

Normal lang. :) saka pag nakahiga talaga lumiliit ang tyan. Magpicture ka ng nakatayo mas malaki yan.

kpag tlga nkhiga d mhhalata.. aq gnun pro pag nkatyo o upo halata nmn 6months here.. 😇

normal lang po yan lalo nat siguro ftm kayo biglang laki din po yan pagtungtung ng 7 months

4y ago

First time mom

VIP Member

Normal lang yan momsh ako next week 6months na pero maliit pa din tyan ko..

Normal lang momsh. May mga nag bubuntis kase talaga na maliit tummy nila e.