first time
pag po ba first time magbuntis, di pa masyadong halata yung baby bump kahit 3 months na?
Ako chubby ako 3months ko malaki na para sakin pero di sya visible sa tshirt ko lagi pero muka lang mataba ako busog, mas napansin lang netong late 5months to early 6months na ko nakikita na sya sa suot ko 😊 (currently 23weeks)
Iba iba talaga mga nag bubuntis sis. Ako din nung 3mos. parang wala lang. First baby ko din. Kung di pa ako nagpa check up di ko alam na 3mos. preggy na pala ako. Dun na sya lumaki when I started drinking Anmum.
Parang bilbil lang yan sa 3mos minsan nga di pa talaga halata. Yung baby bump ko nung 4mos lang lumabas. Ngayon mag 5mos na halata na talaga. First time preggy din ako. ☺️
sa 1st baby ko, nakakapag pants pa ko 5 mos na tummy ko, ngayon sa 2nd ko 3 mos palang, wala nang magkasya :( Daig pang 5 months ang size tummy ko
iba iba po ang pregnancy kc ako po 1st time ko pero 2mos palang ako kita na agad un bump ko .. mganda yan meaning maliit ka magbuntis 🙂
Depende po mommy. Iba iba po kasi, may halata na kahit 3mos pa lang. Meron din pong kahit 5mos na eh little bump lang. Di gaanong halata.
aq 3months parang wala lang hahha tapos payat pa q. di tlaga halatang buntis. maselan pa kc ramdam q pa din ung pagsusuka at pagkahilo
Depende po yan ako kasi nung 1st baby ko hnd ako maselan pero maliit lng tummy ko mag 7mos bago mahalata.p medyo payat pa kasi ako non
opo daw accdg. kay ob.. yan dn kc tanong ko sa knya😂 pero pag sinusukat nmn nya ng tape measure tummy ko, lumalaki nmn dw.
Wala pa tlga yan ng 3 months :) ako nga 6 months napakaliit parin eh. Pero normal naman daw si baby based sa ultrasound