1st timemom
Normal lang po ba na wala kang nararamdaman na anumang makakapagsabi na buntis ka? Mga 1 month o 2 months na po ata. Pero nung nagpt ka positive po?
Ako nagsusuka non tas medyo nasakit tiyan akala namen madalas di ako natutunawan o kaya nalalamigan tiyan ko kase in the middle of the day bigla bigla nalang ako susuka after may makain o mainom, nagiinom pa ko ng alak tas sumasakay ng motor hanggang sa iba na pakiramdam ko sa sarili ko antok lagi tsaka di ko kaya magkikilos kaya nag try nako mag pt.
Magbasa paLast mens ko, march 16 to 21 .. then after 2week nakaramdam ako na nagka craps yung puson ko na parang rereglahin so i decide to use PT and 3 out of 4 na binili ko yung tatlo nagkaroon ng faint line.. may posibilities ba talgaa na preggy na ko kahit hindi pa ako delay ? may same case po ba sakin .? tingin nyo po mga momsh
Magbasa pahello po. positive po ba yung ganito? nagpt ako 6am and clearly, 1 line lang po. then tiningnan ko now 3pm, ganyan po itsura. 3 months delayed po ako and walangs symptoms ng preggy. sana po masagot, thank youuu ❤
same here 🤗 kaya nung mag PT ako at positive hindi talaga ako makapaniwala kasi no any symptoms ako. Eh ang sabi nila pag buntis ka mahihilo, masusuka, maselan pang amoy at mabilis tibok ng pulso. pero ako kahit ano walang naramdaman. So, it means hindi lahat ng buntis/magbubuntis ay maselan or may mga symptoms. Btw, 1st time mom here 🤗 30weeks 🤗 Goodluck momshies 💖
yes po it is normal, iba iba po kasi ang mga nag bubuntis merong nag lilihi merong parang normal lang, as long as healthy si baby sa tummy mo at may checkup lagi sa ob wala ka dapat ipag alala,
ganyan po ako wala akung naramdaman na symptoms na buntis ako kaya nagpapasalamat po ako sobrang selan ko po kasi nung mga previous pregnancy ko ☺️
Ganyan din ako noon. 1st pregnancy ko, wala akong naramdaman na symptoms sa 1st 6weeks ko. 7 weeks na ako naramdam ng symptoms.
swerte niyo po. ako nangangayayat na suka ng suka kada kain suka, baba na ng timbang ko dati 68 kilos. sobrang selan ko🤢🥺
yes po,1st baby pregnancy ko dati ,as in wala, maliban na LNG po sa pang-amoy😅ayaw ko po ng amoy ng sibuyas at bawang
Ako din nagtest ng positive after 2days delayed ng period ko. Wala din akong nararamdaman na hilo o suka.
nung first baby ko ganyan po ako parang normal lang ang lahat...walang feeling na ag susuka o hilo.