It's me again! Madalas ko na nababasa na hindi pa open ang cervix at almost due na hindi pa din nanganganak, isa na ako dun. This morning nga follow-up check-up ko sa OB ko and ini IE niya ako sad to say close pa ang cervix ko, as in close. Nakakalungkot lang kasi akala ko kahit papano naka open na kasi morning and afternoon naglalakad naman ako then nainom din Primrose. So, waiting pa din kung kelan talaga mago open at lalabas si baby. Pero while waiting kay OB kanina nakakaramdam ako ng pain sa puson ko yung parang rereglahin ka at hanggang ngayon nga nararamdaman ko pa din yung pain sa puson ko at may konting sakit din sa balakang ko. Ask ko lang mommies kung isa din ba to sa sign of labor? If yes, possible po ba na kung magtuluy-tuloy tong pain eh pwede na ako manganak at mag open tuluy-tuloy ang cervix ko? Thank you sa sasagot. #38weeks_4days #1sttime_mommy
Read moreMy Orders