Aligaga si baby

Normal lang po ba na aligaga si baby? 15days pa lang po sya. Kada tapos dumede umiiyak o pagkatulog at ihihiga magigising at iiyak din. Thank you.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

naghahanap siya ng comfort mi nag aadjust pa si baby ganyan din Kasi kami nung 3weeks si baby kaya ginagawa ko Buhat ko lang para makatulog ng mahaba lilipas din naman mommy na di na siya Ganyan mailapag mo na tiis ka lang Muna Saka papasok na din Kasi ung growth spurt kaya gusto nya buhat, di Rin totoo ung kapag lagi mo Buhat masasanay, ngayon 1month and 1week na si LO ko naibaba ko na siya kahit papano kapag nakakatulog need lang tulog na tulog siya

Magbasa pa
10mo ago

Yes po. Medyo bothered talaga pag uncomfy si baby. Nakakahabag kasi pag umiiyak. Thank you po sa payo.

Check mo sis baka may kabag or mainit/malamig yung kwarto. Or baka naghahanap lang ng comfort galing sayo kaya ayaw magpababa.

10mo ago

Yes po. Baka nga po growth spurt ito.