Worried
Normal lang naman na mag worry diba. I'm on my 29 weeks na and nag wo-worry ako kasi baka hindi healthy si baby 😔 Gusto ko maka get over sa ganitong thought. Mag isa lang ako. Hindi nakakakain ng maayos. I'm yet to have my check up. Gusto ko malaman kung okay lang ba si baby. Kahit siya lang maging okay. Hindi rin kasi ako nakakapag gain ng weight, I mean payat talaga ko (underweight) and little changes lang napapansin ko unlike sa mga nakikita kong nagbubuntis. Ayoko mag worry and gusto ko lang maniwala na okay si baby and healthy siya 😢 pero di talaga minsan maiwasan mag worry lalo na wala kang masabihan kasi mag isa ka lang at ayaw mong maka abala ng ibang tao. Nag t-take ako ng prenatal supplement ko every day, may times dati na skip ko kasi naubusan akong gamot and lockdown walang mabilhan. Ayokong dumating yung time na magsisisi ako, all I want is my baby to be healthy and fine 😔 Sorry baby. I can only pray and let miracle do the work. Ayoko ng ganito. I'm trying my best. Nilalakasan ko na lang loob ko and believing, hoping okay ang lahat despite all my worries.