tanong ko lang
Normal lang ba pusod ng baby ko 16 days na kase sya tapos di pa natatangal tapos parang may dugo nang lumalabas paki sagot naman po
sa baby ko 1week natanggal n sya .. Sabi ni midwife ok lng daw mabasa pusod ni baby pag maligo ..basta tutuyuin at lilinisin lagi pusod ni baby . . every palit diaper ..pinapatakan ko alcohol .. ok nmn n sya.
Bakit 16 days po yung sayo? Most of the time kase, 4 days to 1 week lang yung pusod lalo na pag 3x a day nililinisan yung pusod ng alcohol. Tinuturo naman yan sa Lying In or Hospital bago nila tayo pauwiin.
Use cotton with 70% alcohol para linisan ang pusod ni baby, kusa yang matatanggal. Never use bigkis po. Ang baby namin within a week natanggal na ang pusod just by cleaning with alcohol.
not normal. kasi in 16 days pahilom na pusod ng baby ko noon, tanggal na ung nakalaylay.. wala pa 20 days lubog na at tuyo na ung sa baby ko. parang may blood yang sa baby mo ah
linisin mu po araw araw mommy....wag mu po gagalawin masyado para kusang umangat at matanggal...if may dugo tlga na lumalabas at nagaalala po kayo pacheck nio na po sa pedia...
.wag lagyan ng bigkis,if maliligo na, chaka lagyan ng bigkis para ndi mabasa...then patakan ng alcohol.. tupiin ang diaper para ndi masagi.. matatanggal din yan ng kusa..
mommy ethyl alcohol po lagay niyo effective po. baby ko po bago kami umuwi ng bahay tinanggal na ni nurse yung nasa pusod niyan wala lang po 1 week pusod niya ok na
Lagyan mo alcohol sis araw araw tas antayin molang matuyo sakin kasi ganyan lang ginawa wala pang 1 week tanggal na tsaka wag mo tatakpan nang bigkis
kung sa ospital po kayo nanganak wag po kayo mag alala pero kung sa bhay lng pagnadugo po talaga dalhin nyo po sa ospital para maturukan ng vita k.
yung baby ko 3days old ngayon matatangal na yung pusod nya naka clam pa nga eh. alcohol lang lagay sa bulak tapos ipatak sa pusod po.
WonderwoMOM of 3! :)