11 weeks pregnant symptoms wear off

Normal ba na gumaan pakiramdam mo pag 11 weeks pregnant ka? First to 2nd month kasi talagang halos sabay sabay yung na experience ko na symptoms, pagduduwal, bloated, constipated, diarrhea din and nagtakaw talaga ako at maya maya gutom. Pero ngayon kasi naduduwal pa din naman ako minsan pero yung sa tummy ko parang gumaan pakiramdam niya hindi din matigas tulad last time. Although obvious na yung laki ng tiyan ko ngayon kasi twin pregnancy ako. Sabi kasi usually pag pa 2nd trimester na talagang mawawala na yung nga hirap sa pagbubuntis. Naninibago lang siguro ako. May naka experience na rin ba nito? #1stimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby #pregnancy #twinpregnacy

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

12 weeks na kami ni baby and I can say the same. :) nasa end na tayo ng 1st trim mommy so thankfully gumagaan na ng konti pakiramdam natin. I asked other mommies and my doctor and normal lang siya kasi lahat ng pregnancy symptoms na naranasan natin sa 1st trim is caused by all the changes sa body and pag develop ni baby. Now na medyo developed na and we are working on the growth and maintining the health of our babies, di na ganun kalala ang symptoms. Though it may be different for other moms kasi may iba na umaabot ng six months nagsusuka pa rin. 😅 relax lang mommy and congrats sa twins! Pangarap ko twins hehe.

Magbasa pa
3y ago

opo okay naman yung twins ko nanibago lang siguro ako sa pakiramdam hehe