So emotional and can’t stop thinking 😣
Noong April, nalaman kong buntis ako at netong May, ang daming nangyari at nahihirapan akong i-handle ang lahat. Kaya naman walang araw at gabi akong umiiyak. Ang daming tumatakbo sa isip ko, ang dami kong tanong at takot na nararamdaman. I am so worried na para sa baby na dinadala ko pero ang hirap at sakit kasi talaga, can’t help but to cry everything. Alam kong hindi siya mabuti sa kalagayan ko ngayon but I will do my best na makabangon na ko at maging matapang na lumaban hindi lang para sa buhay ko, higit sa lahat para kay baby, kahit sobrang hirap at sakit. I am praying na maging matapang din siyang lumaban with me. I will love him/her with all my heart, siya ang pag-asa kong makabangon. 🙏
Taking it day by day with love, strength, and so much hope for what’s ahead. 🩵