Meron po ba dito naresetahan ng progesterone vaginal insert?
Niresetahan po kasi ako dahil sa spotting. Iinsert ko daw po sya sa pwerta ko bago matulog at mpapansin ko sa umaga pagkagising, mas mdami yung spotting pero sa buong araw wala naman na. Normal ba yon? Ganun po ba talaga? Salamat po sa sasagot.
Niresetahan din po ako nyan since 5 weeks ko dahil nagsspot ako noon. Nung umpisa, medyo may spotting parin pero after some days nag stop na na yung spotting. More on white discharge nalang. My baby is fine and healthy with good heart rate. 11 weeks pregnant ako ngayon.
Pinag ganyan din po ako ng OB ko .. kakatapos lang ng 7thday ko kahapon.. Pag bumabangon ako ang nalabas lang is ung natunaw na progesterone yung white. May araw din na walang nalabas sakin
tuloy mo lang po mi.alam ko 7days yan. Mas malayo maabot ng kamay mo sa pag iinsert mas better 🙂 Ganyan din naman ako may araw na walang nalabas sakin. Siguro naabsorb ng husto ng katawan ko ung progesterone 🙂