Pusod
Nililinis niyo ba yung pusod niyo kahit buntis kayo? kasi sabe saken ng tita ko kapag nilinis ko yung pusod ko baka daw masakal yung baby ko sa tummy ko. legit po ba?
Mas maganda kung linisin mo palagi ang pusod mo mamsh. Nakakahiya naman po ipakita sa ob yung tyan na madumi ang pusod. Saka myth lang po yung masasakal ang baby. Baka hindi po naglilinis ang tita mo nung buntis sya. Hahaha charot. π
hindi naman totoo kasi hindi naman naka kabit ang pusod mo sa pusod ni baby may sarili siya ako naglilinis ng pusod every check up ko kasi nakakahiya naman na ilalabas ko tyan ko na madumi pusod hehe
hindi naman sis sa pusod mo nakakabit si baby kaya di siya masasakal. mas ok nga na malinis ang pusod natin, maganda na tignan, iwas amoy pa at komportable.
Ako po nililinis ko kase sadyang maitim pdin.. di naman po ganito ito dati nung di pa ko preggy
Nililinis ko palagi nahihiya kasi ako sa OB ko nun makikita niya kada check up un pusod ko π
Hindi ko na sya malinis ng maayos sis kasi nakalubog sa tyan ko tas parang lumiit sya hehehe
Regular kong nililinisin pusod ko noon. Wala namang nangyaring ganon kay baby.
Nililinis ko pag naliligo ako kaso marahan lang nakalubog kase pusod ko e
Ako nililinis ko po after maligo. I make sure n walang tubig na maiiwan.
Nililinis. Mainfection naman siguro kung d linisan lalo at madumi na