Nilayasan ko Asawa ko at ang Kunsintidor niyang Nanay

Nilayasan ko asawa ko dahil nanakit pinisil niya pisngi ko at binato niya ako ng bola sa mukha ,pumunta ako sa baranggay para kunin anak namin na ayaw niya ibigay sakin na dapat ako daw lumayas eh sumuso sakin anak ko, sa trauma ko nangyare na kasi yung nagkasakitan kami. sinakal niya ako at sinampal ko siya nung lasing kasi kung ano masasakit na salita saakin ,kaya ko naman siya nilalayasan at umuuwi ako dahil gusto ko matuto siya at may marealize kaso sobrang pride palainom pa at palabarkada. tapos sabi ng nanay niya maarte daw ako di naman daw nagkapasa tapos sabi ko bakit kailangan pa humantong sa ganun ,sabi ng nanay niya at asawa ko di naman sinasadya na masaktan ,ang sabi ko naman paano kung napatay ako ng asawa ko na hindi sinasadya may magagawa ba siya?, nagagalit biyenan ko sakin dahil di na ako nagpaalam na aalis ako parati alam ko mali ako sa part na yun pero ang gusto ko hindi na siya maistress samin .Hihingi po ako ng advice kung tama po ba ginawa ko ,mahal naman kami magina kaso di niya makontrol galit niya at nanakit siya katulad ng natapon ng 1years old anak ko yung pagkain namin bigla niya papaluin minsan sumarap lang tulog niya papaluin niya o kurutin hanggang sa makatulog ayaw din niya umiiyak baby ko .kinukurot niya at sinisigawan sa tuwing hindi niya mapatahan .advice po sana kung tama po ba ginawa ko ,mahal na mahal ko asawa ko binibigay niya naman kung ano gusto ko at kay baby kaso di niya makontrol sarili niya :( naiinggit ako sa mga kasama nila hubby nila yung happy family .sobrang pumapatak na lang mga luha ko . Minsan iniisip ko na sana di ko na lang ginawa na ipabaranggay siya at magpirmahan kami.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

sa kwento mo mommy mukang wala na pong dala ang asawa nyo . . wag nyo na po hintyin na masugatan kayo at ang anak mo .. hindi po normal ang knikilos ng asawa nyo possible di rin normal pagiisip nya. tinutulungan nyo lang po sya lumala mommy. mabuti po na lumayo muna kayo ng anak mo di kayo makakaranas ng kaginhawaan pg gnyan ang kasama nyo 😞 lalo sa anak mo hindi healthy para sa kanya .. tatagan nyo lang po ang luob nyo mommy. pray lang po kayo palagi. may awa ang Diyos.

Magbasa pa