Makati sa private part
Nga momsh pa help naman po ako 😢 lagi naman po ako nag huhugas ng private part after umihi, then kapag naliligo ako sinasabon ko ng safeguard pero bat ganun po bigla po kumati private part ko kahit na winawash ko and sinasabon makati parin 😢

Hi Mumsh! Advise ng OB namin sa pharma company na pinapasukan ko dati, wash with water lang. No need to use any kind of soap kasi nadidisturb daw ang ating mga natural and normal vaginal flora. Mas nagkakaroon daw ng itching and dryness lalo na kung antibacterial soap ang gamit. If nagkasugat, you may use Betadine feminine wash. Useful din itong product to wash the vagina after giving birth via NSD and may tahi (episiotomy). Mabilis maghilom in my experience. Pero don't use regularly daw kasi nakaka-dry din ayon naman sa OB ko kasi nag-ask ako sa kanya regarding sa mga product na mai-rerecommend nya for washing the vag after manganak. I hope this helped you a bit. 😊
Magbasa pa

