Hi mga mommies ask ko lng po sana sino dto yungdna po na inom ng mga vitamins or kahit anong iniinom

Ng mga buntis. Pina pa tigil po kasi ako ng mama ko at mga tita ko uminom ng folic acid at ferrous sulfate pati calcuim kasi nakaka sira daw po ng kidney yun im 32 weeks preggy na po kaya sinunod ko po sila peru sabi ni ob tuloy tuloy lng daw po na gugulohan po ako sino dapat sundin😣😭😭 thanks and advance po sa sagot #teamDec2022 #firstTime_mom

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Laging sumunod sa OB dahil sila ang expert sa pregnancy. Ang folic acid ay important sa pagdevelop ng neuro system--like brain ni baby. Maari siyang magkaroon ng neural tube defect (NTD) like Spina bifida kung kulang ang folic acid mo, mommy. Ang NTD ay ang hindi pag develop ng maayos ng neural system ng mga bata sa sinapupunan. Wag ka rin magalala dahil majority ng vitamins ay water soluble! Ibig sabihin kung umiinom ka naman ng tamang intake ng tubig araw-araw walang problema sa kidney yun. Inom ka lang ng 8 glasses of water everyday. You can check din if andito yung folic acid na ginagamit mo para mabasa mo yung review: https://ph.theasianparent.com/folic-acid-for-pregnant

Magbasa pa

importante po uminom ng mga vitamins para yun sa development ni baby. hindi rin basta nasisira ang kidney sa pagiinom ng mga prenatal vitamins, kung gusto mo makasugurado magpa laboratory ka ng SGPT/SGOT, BUN at CREA magpa request ka sa doctor mo para makapagpa laboratory ka at ma check kung normal ba function ng kidney at liver mo. kung wala ka rin naman history of liver disease or chronic kidney failure, i dont think na need mo mag worry at maraming symptoms ka muna maramdaman bago mo masabi na hnd okay ang kidney mo.

Magbasa pa

Ang nakakasira po ng kidney e yung mga antibiotics na pain killer pag uminom ka ng uminom ng mga ganun ng walang reseta ng doctor masisira talaga kidney mo kagaya ng nangyari sa pinsan ko araw araw syang umiinom ng body pain reliever nung tumagal nasira kidney nya. Pero yung mga prenatal vitamins na bigay ng ob mo wag mo pagdudahan di naman ibibigay sayo yan kundi mo kailangan at ng baby mo.

Magbasa pa

syempre OB mo susundin mo dahil sila mas nakakaalam nyan. Yung mga pinapainom sayo ng OB mo para sayo yan at sa baby kaya inumin mo. iba na po panahon natin ngayon sa panahon ng mga nanay at tita natin dati hehe yun lang po sundin mo po si OB mo

Follow your OB mi. Mas alam nila ang gagawin, hindi ka ipapahamak ng mga Doctors. During pregnancy mo lang naman iinumin yan dahil NEEDS yan ng baby moooo. Hala ka mii, wag maniwala basta basta sa matatandaaa

2y ago

ok po salamat po sa sagot

lahat naman po ng kinakain talaga natin may effect sa kidney at atay lalo na mga noodles ska maalat na pagkain, pero important po kasi prenatal vitamins para kay baby din po yan :)

VIP Member

luh mas kelangan mo nga ang mga yan lalo na ang ferrous mat tendency kasi na bumaba dugo mo at baka masalinan ka pa ng dugo need din yan ni baby para sa development nya..

VIP Member

Hello mommy mas ok po na sundin niyo po yung ob niyo kase po yung calcium para sainyo ni baby pag dika nakainom masisira mga ngipen po madami po ako tinetake na vitamins

TapFluencer

Mi, sundin nyo lang po OB nyo. Kailangan nyo pong dalawa yang vitamins na binibigay. Sila sundin nyo kasi sila po ang magpapaanak sa inyo.

VIP Member

ituloy mo po ksi OB mo po ngsbi kelangan po un ni baby mo . OB po yan my mga pinag aralan po yan hndi k po ipapahamak nyan mi ☺️

Related Articles