Pa-vent lang po mga mommy
next month po ay pwede na ako mag-paCAS ultrasound, pero kinakabahan po ako, nung first month po na hindi ko alam na buntis ako ay madalas akong uminom, kung hindi flavored beer ay soju naman, nung nalaman ko naman po never na po ulit ako uminom, nag-iiinom po ako dahil nagkaroon ako ng sobrang laking problema sa relationship namin ng partner ko at hanggang ngayon ay dala ko po ang sakit at depression, nung first three months halos araw araw akong umiiyak, ngayong lang pong 4 month na minsan na lang umiyak, ako rin po ay diabetic at natigil ko po ang insulin na nireseta sa akin dahil hindi na po ako nakapagfollow sa endo gawa ng hirap na hirap po akong bumangon at depressed rin po at sa ob ko naman po ay wala naman pong mintis ang pag-inom ko ng mga vitamins na pinaiinom sa akin, may time rin po na sa sobrang stress ko ay nag-pupunta ako ng simbahan at doon ko kinakausap si Lord, nasasabi ko sa kanya na hindi ko na kaya, at kailangan ko ng tulong at lakas, at hiniling ko rin po na sana ay maging healthy ang anak ko kahit na ganito ang nangyayari sa akin. Kinakabahan ako sa CAS ultrasound pero at the same time ay excited rin akong makita si baby, first baby ko po sya, at dumating sya sa panahon na nag-iisip na kong mag-pakamatay, sya na lang yung rason ko bakit pinipilit ko pa ring mabuhay kahit ang sakit at minsan parang hindi ko na kaya. Mabait naman akong tao, wala naman akong tinapakang ibang tao, minahal ko naman ng totoo at buo ang partner ko pero nagawa nya pa rin akong saktan ng husto. Minsan parang di ko na kilala ang sarili ko, yung kahit ginagawa ko yung mga bagay na nag-papasaya sa akin noon pero nalulungkot pa rin ako, yung kahit nagiging masaya na ulit kami ni LIP ay naiiyak pa rin ako dahil kahit kelan ay hindi na nya matatama ang nagawa nyang mali pero dahil mahal ko pa rin sya ay di ko sya magawang iwan. Pa-hug naman mga mommy, pakiramdam ko mag-isa lang ako, pero kapag naiisip kong kasama ko si baby, lumalakas kahit papaano ang loob ko.#firsttimemom #ventout