mga mommies :(

need your answers po. tanong ko lang kung sino nakaranas sainyo ng pregnancy gingivitis? yung namamaga gums, nagsusugat at nagdudugo. simula nung nagbuntis ako nagkaganto na gums ko. alaga naman ako sa dentist noon kasi nakabraces po ako at mula nung pinalock lang ako nagstop magpadentist. meron din ba naka experience sainyo dto nun? kinakabahan po kasi ako baka mabungi bungi ako. :(

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello sis, may tinatawag tayo pregnancy gingivitis. Pero magawan ng paraan yan. Since sabi mo nga nakabraces ka, possible madumi na yung ngipin mo and nagkaron na ng tartar. Once yung dumi kasi ng ipin natin napunta sa gums, dun namamaga na. So it means kailangan mo magpacleaning sis, para magless din ang pamamaga ng gums. Makakatulong din ang pagfloss sis before magtoothbrush. Tapos gargle ka parati ng warm water with salt.😊 after ecq, padentist ka na ulit, safe naman sa preggy ang pagpapacleaning.😊

Magbasa pa