Toxic
Need your advice mommies. Feeling ko kase ang toxic ko na as a partner. Feeling ko di na tama nagagawa ko sa partner ko. Feeling ko mali na pinagbabawalan ko sya. Everytime kase magpapaalam sya sumasama loob ko. Epekto lang ba to ng pagbubuntis ko kaya napaka sensitive ko? Sabi ko sakanya mas mabuting wag nalang sya magpaalam kase di ko mapigilan sumama loob ko. Nakakasad kase alam nya namang di ako papayag ganon pa sya. Sasama sya sa mga katrabaho nya na niyaya sya. Naiintindihan ko na bago palang sya don kaya he needs to build a foundation with his co workers. But then di ko parin maiwasan isipin na baka may ibang mangyari, baka may umeksena sakanya, baka may iba syang magustuhan. Yes, paranoid ako. I trust him but I dont trust the people around him