Pinaglalakad ng biyanan kahit naninigas ang tiyan

Need some advice here... 35 weeks and 3 days na po ako. Medyo naiinis na kasi ako sa paulit ulit na sabi ng biyanan ko na maglakad lakad na ako and subrang layo ng gusto niang lakarin ko.. Di sia kumtento sa 4km(2km sa morning at 2km sa hapon) And mas worse sinasabi nia na tulog ako ng tulog na laging nakakulong sa kwarto sa lahat ng makakausap nia sa cp. Pero di nia alam nag exercise ako sa loob ng kwarto at natimmingan nia ako naka higa shempre pahinga kakatapos lang mag exercise. Haaaayyy. Nakaka stress. Ung feeling na di naman ako nattakot sa panganganak ko or anything pero nasstress ako sa biyanan ko. #firstbaby #1stimemom #pregnancy #advicepls

Pinaglalakad ng biyanan kahit naninigas ang tiyan
28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako 25 weeks plng ngayon. sinasabihan ako ng mga hipag ko at bayaw na maglakad lakad na daw ako. sabi ng pinsan ko nakakapanganak lng. wag daw muna. dhil mapapaaga ung panganganak ko kung magkakataon. sinasabihan nila ako na ako daw ang maglaba. ako ang gumawa ng gawaing bahay etc. eh samantalang simula't sapul na makisama ako sa asawa ko. simula ng sumama ako sa asawa ko. ako na ang gawa ng gawa ng gawaing bahay. makikita mo ung hugasin tambak lang sa lababo. walang gustong gumalaw. like duhh. madali tayong mapagod. pinagagalitan ako ng asawa ko dhil ang tamad tamad ko daw maglakad. eh sobrang init dito sa lugar nmin kahit 7 plng ng umaga. hanggang 4pm. sino sisipagin na maglakad non? kaya naiinis nlng dn ako eh. oo nlng ako ng oo sa kanila. pag naglalaba ako nakaupo ako sa bangkito. inuunti unti ko lng labhan. kapag medyo naninigas or kumikirot na ung tyan ko magpapahinga ako. then pag ok na ulit laba ulit. and so on. tapos nakakabwisit pa ung asawa ko. dhil puro cp ang kaharap. hndi man lng napapansin na pagod na ako.

Magbasa pa
4y ago

opo ako nga 34 weeks nkakapaglaba pa, pero dahan dahan lang ako magkilos. di ko binibigla hehe ingat ingat lang po pag hndi po kaya wag po pilitin 😊

I feel u. Ganyan na ganyan yung byenan ko lalo na nung nasa 1st and 2nd tri ako ng pagbubuntis ko. Halos walang araw na hindi sya mag sasabe ng maglakad lakad na ako at para di ako mahirapan manganak. Look, 1st and 2nd tri pinaglalakad na ako!? Hindi ko alam kumg gusto niya ba na magka anak ako or hindi. Dahil di pa advisable na maglakad at magpagod ako sa stage na yan. Although minsan sinusunod ko naman sya kahit papano naglalakad lakad ako pero hindi ganun katagal. Ang mas ginagawa ko nun e magpaaraw sa umaga. Ngayong 3rd tri ko na hindi ko na masyado naririnig sa kanya yun kase nakikita naman niya na naglalakad lakad na ako ng kusa anytime na gusto ko at di lang lakad exercise sa loob ng kwarto at kahit maidlip di ko na ginagawa unless masakit na ulo ko sa sobrang antok, itutulog ko kahit mga 10mins lang. Ganyan ako nastress sa byenan ko. Ganyan niya ako stressin. 😅 36week 2day na ako mamsh today. ❣️

Magbasa pa

kung ako yan ssbhn ko tlaga na hindi pa pwede mglakad at baka mapaaga naman pnganganak.. kung nsa tama nman tayo pwede tyo mgvoice out. pra alam dn nila na mali sila.. pero in a nice way pdn as respect sa in laws nten.. mother in law ko prng ganyan dn pero sa pgddiet ko naman sbi kasi ng midwife mgbawas nko ng kain. everytime na may mkkita sya sa myday ko sa fb n pgkain lagi mgcocomment "ang diet"... haha sagot ko nalang konti konti lng po ako lagi kumain. 🤣 ndi naman pwede d nko kumain ng gusto ko nu, wawa naman si baby hehe. syempre bawas lang.

Magbasa pa
4y ago

ako ngagalit ako pag sinasabihan ako tungkol sa pagkain ko mommy.. hahahahaha sinasabi ko tlaga kayo ba kaya nyo pigilan gutom nyo?! hahahaha kya simula nun hndi na nila ko sinisita pagdting sa pagkain dahil alam ko nmn kelan ako mag stop.

ok lang naman yung maglakad lakad ka. concern lang sayo byenan mo para hindi ka manasin. mas mahirap ung minamanas ka na tska ka palang maglalakad lakad. kung ang concern mo is ung naninigas ung tyan mo then dahan dahan lang sa paglalakad. or gawin mo every other day ara hnd ka lang mabila sa pag walking mo. wag mo biglain. tutal marami nagcocomment dito na kesyo maaga pa daw ang 35 weeks para maglakad lakad pero para sakin tama lang ang 35 weeks pra hindi manasin. kahit 30mins walk everyday pwede na un.

Magbasa pa

Same tau mommy 29weeks here, madalas din ako sa kwarto akala nila lagi lang akong tulog. Di nila alam nag eexercise naman ako, ni hnd nga ako nagmamanas e. Wala daw akong galaw, nkakasakit lang ng loob na sabihan ng ganun. Lagi din kasi wala husband ko nasa work gabi na nkakauwi and dito kami sa kanila nkatira. Gsto nila since nung 1st trimester palang naglalalakad nko ng malayo. Ang hirap lang mag adjust at makisama talaga pag hnd pa nkahiwalay ng bahay.

Magbasa pa
4y ago

ako momsh. hndi dn ako minamanas. hndi ko alam kung bakit.

VIP Member

Same tayo. Ako din lagi pinagsasabihan na ang tamad ko daw. Maglakad na daw ako (18 weeks palang ako sinasabihan na ako maglakad). Di nila magets na high risk ako. Ginagawa ko lang trabahong bahay pero nag preterm labor ako ng 35 weeks. Doon nila nagets yung high risk. Akala kasi nila tatamad tamad lang eh. :( Currently on my 38th week na at may go signal na ako since last week na maglakad lakad from my OB. Ang bilis lang bumaba ng tyan ko.

Magbasa pa

Same po, halos 6 months palang tiyan ko at low lying placenta ako,need mag bedrest as per o.b. at binigyan din pampakapit na gamot.pero mga matatanda sinasabi maglakad lakad ako kasi lagi ako nakahiga.. Alam ko naman concern sila,pero advice ni o.b. bed rest daw.. ang bilis ko mapagod at di makahinga pag naglalakad lakad ako..kaso baka akala nila di ako sumusunod sakanila pag di nmn ako naglakad

Magbasa pa

Wag kang mag-pa-stress sa byenan mo. Take your time. May times na sumunod ka sa kanya at may times na sabihin mo pag napapagod ka na gusto mong magpahinga. Ikaw ang may dala ng baby at hindi sya. Kahit na mas may experience sya, importante parin ung wellness mo. Kahit hindi mo mapipili ang mga maririnig mo, piliin mo kung saan ka magpapaapekto. Kaya mo yan. Malapit ka na. 😊

Magbasa pa
4y ago

Salamat sa pag cheer up 😊

mommy sabihin mo sa biyanan mo in a good way lang na hindi pa advisable sa 35weeks ang maglakad lakad kz baka matagtag ka at mapaanak ka po ng maaga, ok lang light exercise..mas maganda kung antayin mo mag 37weeks ka at dun ka magstart maglakad lakad kz full term na si baby nun 😊

4y ago

naku momsh alalay lang sa paglalakad kz 25 weeks pa lang po kayo..unless hindi maselan ang pagbununtis nyo..

huh naninigas tiyan mo meaning contraction ka? need rest if nahilab n tiyan mo kc hindi p term si baby kulang p sa buwan. baka nman d alam n MIl n contract ka kya encourage ka magwalking.. bsta momshie extra ingat kc d p term kulang p yn ng 2 weeks atleast 37 weeks..

4y ago

im 35 weeks and 3 days din