Maitim na kilikili
Need help mga miii, nakaka stress na ung itim ng kilikili ko dahil panay ang kamot ko. 20 weeks preggy here, ano pong product pwedeng gamitin? Para mag light ng kaunti ung maitim kong kilikili 😥 #pleasehelp #advicepls

Hi mamsh! Happy New Year 🎊🎉 Embrace nalang natin ang mga changes satin🤗 since ang kapalit naman po nun ay ang mga baby nating padating🤗 ako nga po ung kili kili ko ngyon, D ko maware kung kili kili pa ba eh😅 nakaguhit kasi ung itim nya😄 partida eversince kalamansi lang po ginagamit ko never ako gumamit NG mga rexona kasi pinapaitim nya talaga NG husto kili kili ko, kaya kalamansi lang ako sapat na.. Pero ngyong preggy ako, tila ang labas gumagamit ako ng rexona, ang itim nya infairness! 😂 Pero nakakatuwa lang na kahit pumanget ang aking balat pag gumagalaw na si baby ko, sobrang sayang saya ang puso ko mamsh🥰 first time parents kasi kami ni hubby😄 kaya kahit minsan binibiro nya ko pag tinaas ko kili kili ko, sabi nya makulimlim daw, tumatawa nalang din ako😀 At D din po siguro legit ung sabi NG matatanda pag maitim ung kili kili, singit etc. lalaki ung baby.. Kasi po ako baby girl💯% mamsh🤗 D Bale po paglabas NG ating mga baby mag balik alindog nalang po ulit tayo, pero for now po ihug natin NG husto ang ating flaws, mamimiss natin 'to for sure paglabas NG ating mga baby🤗
Magbasa pa


Nurturer of 1 bouncy boy