12 Replies
Mommy, patingnan po natin sa center or pedia po bago tayo gagamitin ng mga cream... Tas subokan po natin ang mas madalas na pagpapalit ng sapin ng hinihigaan ni baby at plantsahin ang mga kalalabang damit ni baby.. Tas paglilinisan po natin si baby maglagay po tayo ng small amount ng alcohol sa tubig after natin malinisan ang mukha ni baby .. Ang gamit ko pong sabon kay baby ay Novas po... Hindi na po tumuloy mga butol2x niya... minsan gawa ng pagpapawis din po ay kaya sabi nong RN namin sa Center Novas po gamitin kay baby..
nagkaron din po ng ganyan baby ko nung newborn sya.. baka daw kasi sa damit sabi ng pedia. yung damit nya kasi na dinala ko sa hospital yung mga nakapack na and matagal ng naplantsa at nakatengga. advice ng pedia nya, plantsahin ang mga damit bago ipagamit sa kanya, at dapat lagi malinis ang hinihigaan nya and laging paliguan. yun ginawa namin. nawala naman na after few days. pwede mo gawin muna yun then observe mo.. kung di mawala, much better dalhin mo sa pedia nya para matingnan at mabigyan ng proper treatment. 😊
hi mamsh ganyan din baby ko nung una tapos ginawa nung pedia niya pinahid sa mukha niya yung damit biglang lumabas yung butlig niya rason daw is may downy tapos yung detergent masyadong matapang. Kaya nag switch kami so bilang Cs mom na malaki binayaran sa ospital, sa mura muna kami nun nag try ako umorder sa shopee ng Perla powder tapos di ko nilagyan ng downy yung damit ni Lo pag nilalabhan. Plus lactacyd baby bath gamitin mo effective yun sa baby ko ate ko nag recommended nurse siya sa St. Lukes
Obserbahan mo muna sis kahit isang araw. Sa likod lang ba sya may ganyan? Kung ganjn baka may mga maliit na langgam na kumakagat sa likod
meron po buong ktawn
mukhang bed bugs yan mie try mu linisin lagi higaan niya bago mu siya ilapag applyan mu after bites .. 💖
ipacheck mo agad sa pedia mi, uso panaman HFMD ngayon. buti ng maagpan agad
check up agad me, kung walang budget punta sa center. get well soon baby
but po hindi masagot tanong ko dto
ipacheck up nlang pra safe c baby
Pacheck up mo po sa pedia mommy
Dories Lumbres