Natatawa ako sa kaibigan ng asawa ko. Pano ba naman mga inay, sinabihan ako ng "Buntis ka? Pano ka nabuntis e mataba ka?" like whuuuut? So ang sabi ko "hindi sa pagiging mataba nasusukat ang pagiging INA. di ko pa man naipapanganak tong blessing sa tiyan ko, kung anu-ano na sinasabi mo." Ayun siya pa nagalit. Kesyo daw di naman daw ako ang kaibigan nilang mag-asawa kundi yung asawa ko lang naman daw. Kaya wala daw siyang pakealam sa akin. Bat asar-talo?
Nakakatawa talaga yung ganitong tao no? Ke tanda na, pero lakas parin manlait na akala mo perpekto. At di komo mataba ako, wala na kong karapatang magbuntis. Hay buhay! #1stimemom #pregnancy #theasianparentph
Anonymous