Pa help po.

Natatakot po kase si gf ko na malaman po sa kanila yung pagbubuntis nya. Panay inom nya pong soft drinks. May side effect po ba yun para sa bata?

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Natatakot malaman? Eventually, malalaman din naman. Wag niyong hayaang magsuffer ang bata ng dahil sa issues niya sa sarili. Protektahan niyo ang bata, kayo ang magulang, nakadepende sa inyo yan. I dont think malaki ang magiging epekto agad-agad sa bata pero kung meron man, tandaan mo, kayo din ang magsa-suffer dahil bubuhayin niyo ang bata. Plus yung mga karagdagang alalahanin like pagkakaroon ng UTI o Gestational Diabetes, dagdag gastos din ang pagpapagamot dito. Maging responsable, gamitin ang isip at wag puro emosyon. Sabihin niyo na sa mga magulang niyo habang maaga ng magabayan kayo ng tama. Hindi magiging madali para sa inyo ang lahat, lalo't bumubuo na din kayo ng inyong pamilya. Gawin ang tama, para sa bata.

Magbasa pa
6y ago

Sana di na inispread ni ateng yung legs niya para di siya nabuntis. Ayaw pala niya 😒

Related Articles