disappointed or no disappointed

natanung ba kayo ng biyanan nyo na " Gusto mo ba magwork alagaan ko nalang si baby" yan po sabi nya sa chat sakin early in the morning.. momsh para sa inyo po ano po mararamdaman nyo po.?

116 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Para sakin sis mas OK na nag offer ang biyanan mo. Sa panahon ngaun mahirap ipagkatiwala ang anak sa ibang tao. Kong tlagang gusto mo pang Mag work. Ganyan kc case q dati. 9yrs niyang inalagaan panganay ko. Sa wakas nasundan uli.

Magiging thankful pa ako, kasi di nila ipapaliit mundo mo porket may anak ka na. Madami pang opportunity and kasi in that sense ako ang magprovide ng needs ng anak ko... Di yung hihingi lang ako sa mga magulang or asawa.

VIP Member

Maganda nga yan sis kasi sya mismo nagvolunteer para alagaan si baby. Iba pa rin kasi ung may work ka self fullfilment at lahat ng needs ni baby mabibigay mo. Pasalamatan mo sya kasi hindi lahat ng biyenan ay ganyan.

Same on my situation. First apo kaya gusto ng MIL ko na sila na mag alaga, dalawin ko nalang daw every weekend. I said no kasi work ko naman is homebased. Sabi ko tutulong ako mag alaga, sa kanila naman ako titira eh

Kung wala ka namang conflict sa biyenan mo at very good naman side nila edi why not. Swerte mo nag offer, mahirap yung gusto mo mag trabaho tapos walang mag-aalaga sa baby mo like me. Hehe shaket.

Kung maganda ang career mo bago mabuntis maybe gsto nia mapursue mo pa un kung wala ka nmn income mula noon maybe ngpparinig na yan na magbanat k nlng dn ng buto para mkatulong sa bills

Mabuti ka nga sis e. Meron willing mag alaga ung iba kahit gusto din mag work walang magawa kc walang maiiwan sa anak ... Ung iba nga kumukuha pa ng mag aalaga or yaya makapag work lang!

Appreciate na lang po. Yung iba gusto mag work walanv mapaghabilinan nang anak. Kukuha pang katulong. Thankful ako kasi yung nanay ko ready mag alaga ng anak ko pag mag wowork na ako

Ang bait naman po ng biyenan nyo, wala naman po masama sa sinabi nya. Though kung ayaw nyo naman po magwork sabihin nyo nalang po na gusto nyo na mabantayan nyo mismo ang baby nyo.

Haha. Sa akin naman ayaw ako patigilin sa work ng MIL ko. Siguro para hindi ko magastos masyado ung sahod ng anak nya. Lolz. Hati kasi kami sa sahod ng anak nya e. Hahahaha. 😂