disappointed or no disappointed

natanung ba kayo ng biyanan nyo na " Gusto mo ba magwork alagaan ko nalang si baby" yan po sabi nya sa chat sakin early in the morning.. momsh para sa inyo po ano po mararamdaman nyo po.?

116 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Lucky mo sis sa MIL mo. May iba kc, nagbubuntis pa lang,sasabihan kana na ndi nya kaya mag alagan ekek. Atleast binibgyan k nya ng option na you can work if you want tpos ndi ka mag aalala kc siya na muna magbantay sa baby mo. Sa ngaun kc mahirap na din ipagkatiwala sa yaya ang baby

That's good to know momsh, kasi may mga biyanan na ayaw alagaan ang sariling apo nila dahil kesyo nanay dapat nag aalaga. Pero kung nakikita nya na baka nahihirapan ka sa pag alaga dahil kailangan mo magtrabaho at gipit kayong mag asawa, nag aalala yun para sa inyo ng pamilya mo. 😊

5y ago

i think sila po ang gipit hindi makahirit sa mister ko...

VIP Member

Sakin mas okay un, lalo at need talaga pareho kayong may work ni hubby sa panahon ngayon. Mas maganda ngang byenan mo mag aalaga dahil mahirap kung ibang tao pa. Baka nagssabi un hubby mo sa parents nia na mejo hirap sya sa gastos kaya dinaan na lang sa ganyang tanong ng byenan mo

VIP Member

Pangarap ko yan. Matanda na parents at mother in law ko kaya di ko na maiwan sakanila si baby. Pero kung may chance, gusto ko talaga mag work. Wag mo masamain, kung may usapan naman kayo ni hubby na stay at home ka muna, explain mo nalang sa MIL mo :)

TapFluencer

Sakin mas okay yan. Kasi need ko mgwork. Im still supporting my parents kasi. Pero hndi yan mangyayari kasi may work si MIL tapos si mama naman sa probinsya nakatira. ☹ namomroblema pa ako ngayun sino mg aalaga ng baby ko kng magwowork na ako ulit.

Haha. Ako nanay ko ganyan sinabi sa akin. Well i guess, it does nt mean anything na nakakaoffend. They are soon to be lolo at lola at gusto nila alagaan at iniisip nila makatipid para d na makagastos pa sa yaya. Look always on the positive side mamsh

ang bait ni byenan,, willing siya na mgaalaga ng apo at binibigyan ka lang din po niya ng options, kung sakali man gusto mo mgwork siya mgaalaga at kung ayaw mo naman po sabihin mo lang po sa kanya ng maayos para walang misunderstanding. 😊

.Kung ako matutuwa ako Kung ganon maririnig ko kesa sa maririnig Kong sinasabi nya sa kapit bahay na dagdag apo at dagdag alagain ... 😢😢😢..sakit pakinggan ... Kaya pag nanganak aq never ko ipaapalaga sa kanya kesa isumbat Lang sakin ... Haisx ...

5y ago

hmmmf wla nman ako sa puder ng biyenan ko kasi alam ko sa pagtira ko sa kanila my masasabi tlga.so i decided dito pa rin ako sa parents ko.

Yes. Hindi nga tanong yung akin eh. Straight to the point na magtrabaho daw ako at sya magaalaga kay baby para daw makatulong pako sa parents ko pag nagtrabaho ako. Di naman ako nadisappoint kasi may point din naman sya at para din naman kay baby.

Depende sis, ikaw nakakaalam sa ugali ng byenan mo. Kung ano sa tingin mo yung pagkakatanong niya, kung magkasundo kayo walang masama sa tanong niya. Pero iba pa din kung ikaw magaalaga sa anak mo, mas maganda masanay siya sa amoy at presensiya mo