Breastfeeding

Nasstress ako sa pagbreastfeed, lalo na ngayon na may sugat yung isang nipple ko and di ko kayang ipadede sa baby ko and nasstress din ako dito sa bahay ng tita ng partner ko. Pinapump ko na lang kaso i've been deciding kung imix feed ko na lang muna si baby para naman makarecover yung nipples ko and para na din sa mental health ko. Ang mahalaga naman saken busog si baby and di din sya nasstress. #FTM

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi mommy hugs po.. kung ano alam mo makakabuti sa Inyo ng baby mo Gora lang po🥰 lahat naman tayong mga mommy Yun ang pinaka priority natin ang maibigay ang best Kay baby natin.. SKL lang po 1year EBF mommy here.. 1year ng direct latch si baby ko.. good thing lang din kasi di ako nahirapan mag latch Kay baby ko.. nung nagngingipin lang siya saka nagkasugat nipple ko as in may blisters.. masakit umiiyak ako . kasabay nun nag clogged ducts din ako Pero ginawa ko lang tiniis ko nag massage at hotcompress at kahit may blisters pinadede ko pa rin Kay baby .. pag nangangagat pinapasok ko maigi nipple ko sa bibig niya kasi Pag pinull out ko mas lalo lang nahigpit pagkakagat niya.. struggle talaga ako nun Mii Pero Isang phase lang Yun at back to normal din di na ulit kinagat ni baby til now 1year old na siya Alam niya kasi nagagalit ako sinasabihan ko siya ng No don't do that😆 ayun nakikinig naman .. Mommy nacheck mo ngapala kung ok latch ng baby mo sayo? hindi ba siya tongue-tied kaya masakit magdede? Mommy ikaw lang nakakaalam ng parehong ikagagaan niyo ni baby.. kung feel mo po na naaapektuhan ang Mental health mo .. ok lang formula fed.. hindi po eto nakakabawas sa pagiging nanay natin 🥰 Godbless

Magbasa pa
2y ago

Skl ko lang sakin momsh, ftm din po ako, first dede sakin ni baby mga ilang weeks nagsugat yung nipple ko sa kaliwa kaya sa kanan ko lang siya pinadede, so on naging ok naman na dalawa kong nipple, nag hilom narin sugat ko sa kaliwa, pero habang natagak mas napapansin ko na mas malakas mag produce ng milk ang kaliwang breast ko kaya napansin ko rin na madalang dumede si baby sa kanan ko. Hanggang ngayon na mag 1 year old na siya, sa kanan nalang siya na dede, ang masakit pa momsh nung nag ipin baby ko last month, wala akong magawa kundi padedein siya sa iisang breast lang dahil ayaw niya talaga dumede sa kananng breast ko. Ayun tiis bongga ang lola niya, halos mangiyak ngiyak ako sa sakit. Kaya kung ano mas makakabuti sa inyo ni baby, wag mag dalawang isip mosh, mataas pain tolerance ko kaya ok lang na tiisin ko yung sakit. Wag makikinig sa iba lalo na pag dating sa inyo no baby. Godbless momsh😘

feel kita sis, ftm here, ung 1st 2wks ko after delivery ung pinaka-stress ako and same sentiments with you, one factor ng stress ko ay breastfeeding. sakin naman, short ang nipple ko so hirapan si baby maglatch sakin + may gatas ako pero di ko sure kung enough ba ung nakukuha nya sakin. dumating sa point na halos parang laging restless si baby and halos nagagalit na si baby sakin kapag pinapalatch ko sya. then we decided na mix feeding nalang si baby. and I would say isa un sa best decision namin so far. at mas masaya sa feeling namin as parents na nakikitang satisfied si baby every feed. every now and then pinapalatch ko sya sakin and everyday pa din ako nagpapump. hindi man sobrang sagana ung milk ko pero at least kahit konti napapa-breastfeed ko sya. I would advise mamsh na, you know your body and ngayon na nanay na tayo mas alam natin ung kelangan ni baby so if feeling mong mas makakagaan senyo ni baby ang mixed feeding, just go for it.

Magbasa pa

ok lang yan sis. kung imix mo sya . ako breastfeed tlaga ako kay baby ever since pero may mga oras natintry ko sya mag bote dahil pag aalis ako at importanteng lakad maiiwan ko sya. haha kaht minsan pinagsasabhan ako na maganda daw pure bf wag daw sanayn sa bote blahblah . di ko pinapansin hahaha ung iba inaadopt ko pero ung iba pinakikingan ko lang 😂 kasi di tayo padin yung nanay nila so tayo may mas alam kung ano ang dapat . kaya mo yan wag paka stress po 💖

Magbasa pa
TapFluencer

ganyan din ako mi first 3 weeks ni baby. umiiyak nlang talaga ako sa sakit sa pagpapadede ksi nagka blisters nipple ko plus engorgement ng breast. pero mi, tiisin mo lang, believe me, mawawala rin yang sakit. sa simula lng talaga masakit. im glad hindi ako na give up. ksi ifoformula feed na sana ni hubby ksi naaawa na sya skin. pero tiniis ko talaga

Magbasa pa

ftm here.. umpisa palang mixed na si baby, mahina kasi ang gatas ko lagi syang bitin. stressed din ako kasi ayaw lumakas ng gatas ko tapos CS pa ko. mahalaga po talaga ang mental health lalo na sating kapapanganak lang. Ask nyo na lang po pedia anong milk ang i-advice nya. samin po kasi enfamil or s26 gold daw po.

Magbasa pa

si baby mo din ang makakagaling ng nipple mo ma

2y ago

Yes i know, pero kase physically and mentally drained na ko. That's not good for me and my baby.