Sharing
Nasabihan na din ba kayo na Baka Tae lang yung nasa tyan nyo dahil sa Sobrang bagal at liit lang ng tyan nyo. Ang sakit Sa Puso. Maiiyak ka nalang talagaπ’ππ

Dapat kapag sinasabihan ka ng ganyan sis magrespond ka ng "atleast sexy padin ako kahit buntis na ako, Hindi kagaya ng iba dyan, Mas mukha pang buntis kesa sakin" Hahahaha inggit lang yang mga ganyan π
Ilang beses na nga ako nasabihan kung buntis ba ko talaga kasi maliit pa tiyan ko pero di ko naman sineseryoso natutuwa pa nga ako kasi healthy naman si baby sa tummy ko. Going 5months this August 11 π

Sinasabihan din ako ng ganyan kahit ngayon (6mos) . sasabihin pa na "buntis ka ba talaga?" . porket ba di kasing laki ng tyan nila or ng mga asawa nila yung sakin . sexy lang talaga tayo mga mamsh haha
Same here, mejo sensitive pa naman ako due to pregnancy π Para lang daw puson yung tyan ko eh para sakin sa 23 weeks normal naman sya kasi kahit mataba naman ako di naman ako matyan at puson.
Wag mo stressin sarili mo. Hayaan mo sila sa mga negatives na sasabhn nila sayo. Baka inggit lang sila. Mahalin mo sarili mo lalo na baby mo sa loob ng tummy mo β€οΈ Yun nalng isipin mo.
Okay lang yan kahit nga OB ko sinasabihan ako na maliit tyan ko 28 weeks na tummy ko, okay lang nmn ang importante healthy si baby and sakto yung laki nya sa tyan π€π€π€
ganyan din ako ..sinabihan pa nga ako na nagpapanggap lng yta ako na buntis . .pero paglabas ng baby ko malaki sya 3.2 kls .puro pla baby laman ng tyan ko khit maliit lng
oo naman po. hehehe akala ko nga din baka hindi lang ako makadumi. mas ok nga po yung di gaanong malaki magbuntis. saka nyo na palakihin si baby kapag nakalabas na.
Ilang weeks ka ng preggy mommy? Normal lang naman na wala ka pang bump or maliit ang bump kung FTM. Usually 5-7 months pa talaga magiging noticeable ang bump. :)
Feel kita teh,ako din kc maliit lng tyan ko for 7months kaya lagi akung inaasar ng asawa ko n baka daw tae lang ang laman kaya bulate π π π



