hindi makakain

Nasa 8th week po ako at parang ayaw pa din ng sikmura/tyan ko kumain. ayaw nya may naaamoy kaya hirap kumain, madami ayaw kapag kakainin ko na. sobrang di kumportable sa pakiramdam, sobrang asim pa ng tyan ko madalas, kapag nakakain ng kahit sobrang konti e bloated agad. kelan kaya ako magiging matakaw ulit? paano na kaya si baby kung hindi ako makakain halos?#1stimemom

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

thanks god at d ako nahirapan s tawag ng lihi.dko nga alam kung maglihi ako🤣8weeks narin ako pero d ako nkaramdam ng duwal,hilo.or natakam s isang pagkain.nangasim ang sikmura at bloated yes normal lang cguro un po.hanggang now wait ko pa magsuka pero wala parin po.un lang sumasakit ang ulo ko at katawan isip ko bka.s sobrang higa .bed rest kc ako at may nkita pagdurugo s loob pero wala spotting po.thanks god.inom parin duphaston. at matakaw din ako kahit dko gusto food lagay lang ng lagay sa tiyan sbi kc n ob binubuo palang c baby kaya dapat marami kainin na masustancya.saka n ako mag control ng food pag totally na develope n cya😘

Magbasa pa

ganyan na ganyan din po ko. yung ang ganda ng kain ko sa una tapos pagkatayo ko lang biglang masusuka sabay suka ng lahat ng kinain ko hays tapos nabawasan timbang ko kaloka. madaming nagsasabeng pumaoayat ako kasi nga di ako makakain ng maayos lalo't ang silan ko mag lihi. wala naman akong gustong pagkain, kung ano lang nandyan kinakain ko. habang patapos na yung 1st trimester ko nagkakagana na ko kumain. kaya sinasamantala ko. buti ng meron akong vitamins syaka si baby ko kahit papano may nakukuhang nutrition si baby ❤️☺️

Magbasa pa

Ganyan din ako mami around 7-9th weeks sobrang selan sa pang amoy at halos di makakain tapos sumusuka ako buong araw. Ngayon 10th weeks nako ngyon palang medyo nagging okay. Nakakakain nako maayos kahit papano and yung sa pang amoy kaya ko na sya labanan. Dati diko kaya nakakaamoy ng nag gigisa o nag luluto or kahit anong mausok na maamoy laging parang mag cocollapse ako pero awa ng Diyos ngyon okay nko. #1sttimemomhere

Magbasa pa
VIP Member

Ganyan po talaga mommy pag 1st trimester at maselan mag lihi. Ako din po ganyan kaya halos bumaba timbang ko kasi wala kong gana kumain at sinusuka ko mga kinakain ko. Kain ka po kahit paunti unti para sa baby mo, mag gatas ka po at vitamins. 12weeks na ko, awa ng Diyos nakakakain na din ako kahit papano, medyo lumalakas na din ako. Makaka pag adjust ka din po, laban lang tayo!

Magbasa pa

ganyan po talaga til 12-13 weeks, kain po kayo ng skyflakes pag gising sa umaga para mabawasan acidity sa tiyan. every 2 hrs kain small portions lang, mas ok if sabaw at gulay na walang masyadong lasa. pag nasusuka po mag toothbrush kayo agad or mag mouthwash. ganyan ginawa ko nung 1st tri. 14 weeks na ko now mas ginanahan na kumain at normal na ang pakiramdam. tiis tiis lang 😁

Magbasa pa

Same po tayo. Now pang 12 weeks ko na nagkakagana gana na din ako. Halos 4kg nawala sa timbang ko kasi yung previous weeks ko ayaw ko sa lahat. Totally wala akong gustong kainin. Nangangasim lagi sikmura ko. Kada kakain ako isusuka ko lang din. Biscuits, fruits, maternal milk nalang para kay baby. Bawi ka po pag nagkagana ka na ulit. 1st time mom din ako :)

Magbasa pa

same po tayo mamsh . sakin kahit tubig di ko kaya malunok, tapos yung feeling na gutom ka pero kada kain lagi na lang iluluwa🥺 mag plain biscuit ka po like skyflakes tapos gatas..nasurvive ko 1st trimester ng halos gatas lang din tinitatake umaga gabi..hanggang 3mos ako ganyan eh..malalampasan mo din po yan kausapin mo din po si baby😊😊

Magbasa pa

ganyan din ako nuon. halos nag aalala na asawa ko 1day ako di kumain pero feeling ko busog ako. lagi niya ako tinatanong kung ano gsto ko kainin pero wala ako gsto. all i want is just to sleep and i don't feel like craving. Pero after ng stage na yun naging matakaw ako. Ganun talaga mamsh, mllampasan mo din yang stage na yan. gudluck❤️

Magbasa pa

ganyan din po ako dati, 3kgs nabawas timbang sakin nung early weeks ng pregnancy ko dahil sa paglilihi. mag 2nd trimester na po nung nawala na yung paglilihi ko at unti unti na ulit ako nagkakagana kumain. basta inumin nyu lang po mga vitamins nyu para kahit di kayo makakain ng ayos eh may nakukuhang nutrients ang baby nyu.

Magbasa pa

try eating small portions of food po every now and then. wala din po ako halos gana kumain during my first trimester. bumaba din timbang ko. skyflakes helps po, tiyaka oatmeal. makakagraduate ka din momshie. ngayon lang ako halos nakabawibawi kain. God bless.